GMA Logo Susan Enriquez on ink portrait
What's on TV

Pinoy visual artists, paano kumikita ngayong may pandemya?

By Bianca Geli
Published September 13, 2020 10:12 AM PHT
Updated August 13, 2021 2:32 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Man attending fiesta in MisOr stabbed dead
NCAA: Arellano, Letran reignite rivalry in Group B as Season 101 men’s volleyball kicks off
CinePanalo and FDCP partner to open global opportunities for Filipino filmmakers

Article Inside Page


Showbiz News

Susan Enriquez on ink portrait


Paano rumaraket ngayong quarantine ang Pinoy visual artists? Alamin 'yan sa 'Pera Paraan.'

Ngayong Linggo sa Pera Paraan, binusisi ni Kapuso host Susan Enriquez kung paano kumikita ang Pinoy visual artists ngayong may quarantine.

Ayon sa visual artist na si Anthony Deonaldo, maraming tao ang nangangailangan ng "art therapy" kung tawagin para mabawasan ang stress mula sa pandemya.

Aniya, "Feeling ko kailangan talaga natin ng pahinga sa lahat ng nangyayari sa mundo ngayon."

Ink illustrations ang tawag sa mga artwork ni Anthony. Gumagamit siya ng panulat na ink sa halip na lapis. Sa drawing style na ito, pagiging maingat at at practice ang kailangan para maging mahusay dahil konting maling guhit lamang ay kailangan ng ulitin ang drawing.

Pera Paraan

Pera Paraan

Ink illustrations / Pera Paraan

Naging tulong din ang raket na ito kay Anthony nang ma-ospital siya dahil sa sakit sa gallbladder.

"Nag-post ako noon sa Facebook for commissions para mabayaran 'yung bills ko.

Dahil dito, ang ilang kliyente niya, nagbigay na ng commission kahit hindi pa tapos ang ink portraits na gagawin ni Anthony.

Si Edward Rey Luna naman na BPO agent, rumaraket din bilang isang portrait artist. Kumikita siya ng P800 hanggang P1000 kada portrait.

Aniya, "After I work I have to make a schedule for my art work for four hours of doing commissions."

Pera Paraan

Ink illustrations / Pera Paraan

Ang inspirasyon ni Edward sa pagguhit, ang kaniyang anak na may malubhang sakit.

Kuwento ni Edward, "Narinig ng doctors na may kakaibang sound siya sa heart. Nakita na may tatlong butas pala siya sa heart and we may need an operation in the future."

Minimum ng 500,000 Php ang kakailanganin para mapagamot ang kaniyang anak, sa laki ng kailangan na halaga, halos mawalan na ng pag-asa si Edward.

Sa tulong ng Pera Paraan, nakahanap ng solusyon si Edward sa gastusin ng operasyon ng kaniyang anak.

Panoorin ang istorya nila sa Pera Paraan: