GMA Logo Sanya Lopez in Your Honor
What's on TV

'Hot Maria Clara' na si Sanya Lopez, takot pumasok sa isang relasyon?

By Aedrianne Acar
Published May 11, 2026 10:44 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Katy Perry notices Jayda Avanzado's 'Thinking of You' cover on TikTok
Attention, Moms: this one-day flash sale is the home upgrade you can't miss
Duterte urges solons to listen to people; Bishop calls for prayer

Article Inside Page


Showbiz News

Sanya Lopez in Your Honor


Madam Chariz Solomon, may payo sa kanilang pretty resource person na si Sanya Lopez pagdating sa pakikipagrelasyon.

May inamin ang 'Hot Maria Clara' at Sang'gre star Sanya Lopez sa session ng Your Honor hosted by Madam Chariz Solomon at Vice Chair Buboy Villar nang mapagusapan ang alinlangan niya sa pag-commit sa isang relasyon.

Naging resource person ang Sparkle actress sa session na tinawag na 'In Aid of First Love: Ang Mr. Promise Ring ni Sanya.' At dito, nag-open up si Sanya Lopez tungkol sa mga bumabagabag sa pagkakaroon ng boyfriend.

Sabi niya, “Lagi tayo nagsa-sacrifice kahit na minsan hindi mo na kilala 'yung sarili mo tulong ka pa rin. Hanggang naubos ka na, na-drain ka na.

“Kaya natatakot ako, to be honest, na pumasok sa relationship,” pag-amin niya sa Your Honor

Sabay sabi ng House of Honorables na 'huwag' siyang matakot.

Sunod na paliwanag ng resource person, “Kasi, siguro hindi ko naman alam kung ako lang 'yung nakakaramdam ng takot dahil sa mga sitwasyon na nakikita mo, nakukuwento sa'yo, 'yung nababalitaan mo na parang meron mga sitwasyon or relationship na hindi nagla-last because of the attitude, personality.”

Sumabat naman si Madam Cha. Paliwanag ng Kapuso comedienne, “That is something beyond our control talaga, we cannot control kahit ang perfect mong jowa o Hot Maria Clara ka 'di ba? Ang talino mo, ang yaman mo na babae, lahat nasa sa'yo na. Perfect! [Pero] niloloko pa rin.”

Ramdam ang frustration ni Madam Cha. “So those are the things that we cannot control or nagbi-break pa rin sila. Nangyayari lang talaga siya, you [just] have to brave through [it].”

Bibida si Sanya Lopez sa pelikulang Midnight Girls na ipalalabas sa mga sinehan sa darating na May 13 at makakasama niya dito sina Jodi Sta. Maria, Loisa Andalio, at Jane Oineza.

RELATED CONTENT: SANYA LOPEZ'S PRETTIEST PHOTOS