
Isang diva actress na may itinatagong sikreto sa fans at publiko ang kikilalanin sa latest na Hula Who.
Ayon sa segment na "Sikreto ng mga Borta" ng TiktoClock, "May nalaman akong sikreto tungkol kay diva actress. Ang tsismis, nahuli siya ng mga fans niya na may ginagawang something. Ano kaya ito?"
Inilahad dito kung ano ang nangyari kay diva actress at sa kaniyang mga fans.
"Napagod daw ang lola mo, kaka-picture-picture, siyempre, magaling na aktres, magaling na singer."
Ipinakita pa ang isinagawang skit kung paano nagpaalam si diva actress sa picture-picture with fans. Kaso, hindi niya inaasahang mahuhuli siya ng mga umiidolo sa kanya.
"Ang sikreto ni diva actress, nahuli siya ng mga fans na nagyoyosi. Pero kahit nahuli na siya, mega-deny pa rin siya."
Para sa clue kung sino si diva actress: "Sa pangalan niya ay may letrang S, as in shookt. Dahil nagulat daw talaga ang mga fans sa nakita nila. Pero kahit ganoon, love pa rin daw nila ang kanilang idol."
Samantala, abangan ang iba pang chika sa "Sikreto ng mga Borta" sa TiktoClock. Patuloy ding subaybayan ang happy time sa TiktoClock, Lunes hanggang Biyernes, 11:00 am sa GMA at sa Kapuso Stream.