What's Hot

Ian, Lotlot, Matet de Leon share last moments before Nora Aunor's passing

By Kristian Eric Javier
Published April 21, 2025 4:31 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Rob Reiner’s son arrested on homicide charges after filmmaker, wife found dead
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

ian lolot matet de leon


Alamin mula kina Ian, Lotlot, at Matet de Leon kung ano ang nangyari sa mga huling sandali ni Nora Aunor.

Ginulat ang mundo ng showbusiness ng balita ng pagpanaw ni Superstar at National Artist na si Nora Aunornoong Miyerkules, April 16. Kinumpirma ng anak ng batikang aktres at singer na si Ian de Leon ang pagpanaw ng kanilang ina sa isang press conference sa unang araw ng burol nito.

"From a very young age, our mom captivated hearts with her talent, grace, and unmatched voice. Over the decades, she built a career that shaped the very soul of our culture. Through song, through screen, and through every role she brought to life with brilliance, her contributions to the arts are immeasurable and her legacy will live on in every performance, every melody, and every person she inspired,” pagbabahagi ni Ian.

Sa panayam nina Ian, Lotlot, Matet, Kiko at Kenneth de Leon sa Kapuso Mo, Jessica Soho, na ipinalabas nitong Linggo, April 20, binahagi nilang magkakapatid ang nangyari ilang araw bago ang pagpanaw ni Nora.

Kuwento ni Ian, sumasailalim ang kanilang ina sa isang treatment para maibsan ang sakit na nararamdaman nito sa kaniyang katawan. Sa katunayan, bumubuti na umano ang pakiramdam ng naturang National Artist nang biglaang nangyari ang lahat.

“Everything just happened in a snap. We found out that she's already at the hospital, and she was having a hard time breathing. Her BP (blood pressure) was really high during that time, and we had another call na they're doing CPR on her already,” pagbabahagi ni Ian.

Aniya, iniwan nilang magkakapatid ang lahat at dumeretso sa ospital nang malaman ang nangyayari sa kanilang ina.

Pagbabahagi rin ng aktor, naka-schedule sana si Nora para sa isang angioplasty procedure ngunit pinlano ng mga doktor na i-resched ito. Aniya, na-admit lang ang kanilang ina sa ospital para ma-monitor ang kaniyang ina ng biglang nagdesisyon ang mga doktor na ituloy ang naturang procedure.

Related Gallery: Take a look back on the highlights of Nora Aunor's showbiz career

Kwento naman ni Lotlot, nag-flat line na umano si Nora ng 30 minutes, ngunit na-revive pa ng mga doktor. Ngunit ng dalhin umano ang batikang aktres sa ICU ay ang-flatline ulit ito.LINK:

Pag-amin ni Lotlot, ugali ng kanilang mommy na isikreto ang mga nararamdaman nito sa kanila dahil ayaw ni Nora na nag-aalala ang kaniyang mga anak.

“Alam n'yo, ang mommy kasi, ayaw niyang nag-aalala kaming mga anak niya, so every time she feels something talagang tinatago niya sa amin. Sabi po sa amin ng mga doktor, they already tried everything, which nakita naming magkakapatid, na ginawa nila ang lahat para tulungan si mommy, kaya lang hindi na po niya talaga kinaya,” sabi ni Lotlot.

Nang nakausap umano nila ang mga doktor ng kanilang mommy, ang sabi ni Matet ay naging matagumpay naman ang angioplasty procedure ni Nora at sa katunayan ay gulat din sila sa nangyari sa kanilang ina.LINK:

“Sa totoo po, pati 'yung doktor niya, nu'ng nag-aagaw buhay si mommy, nakatingin din po ako sa doktor niya, parang hindi po makapaniwala,” pagbabahagi ni Matet.

Ani Kiko, hindi pa rin siya makapaniwala sa nangyari at sa katunayan, sobrang nasaktan siya na hindi niya naabutang buhay ang kanilang ina dahil huli na siyang nakarating sa ospital.

“'Yung huling pagsasama namin ng mommy ko is 'yun ang isa sa mga pinakamasayang experience ko sa kaniya. 'Yung pasko 'yun e, kaming dalawa lang po. Ilang oras kami nag-uusap. Kapag magkausap kami, para lang kaming magbarkada kaya napakasakit sa'kin kasi hindi ko na siya naabutan dahil ako 'yung pinaka huling dumating,” sabi ni Kiko.

Sa ngayon, lubos na nagpapasalamat ang pamilya nila sa pagmamahal na nararamdaman at natatanggap nila ngayon.

“I'm at peace, and I hope that everybody just prays for my mom," sabi ni Lotlot.