GMA Logo Ina Feleo and Ashley Ortega
What's on TV

Ina Feleo on 'Hearts On Ice' co-star Ashley Ortega: 'She has that killer instinct'

By Aimee Anoc
Published May 9, 2023 6:44 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Barangay kagawad at senior citizen, parehong patay sa banggaan ng kanilang motorsiklo sa Iloilo
Mandaue City LGU, Mihangyo nga Pondohan ang Itukod nga Hospital | Balitang Bisdak
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

Ina Feleo and Ashley Ortega


"Makikita mo rin sa mata niya na mayroon siya--'yung laban, 'yung 'hala bira.'" - Ina Feleo

Masaya si Ina Feleo na makatrabaho sa Hearts On Ice si Ashley Ortega, kung saan tampok ang sport na pareho nilang unang minahal, ang figure skating.

Kapwa competitive figure skaters noon sina Ina at Ashley bago pa man nila pasukin ang mundo ng showbiz.

A post shared by Ina Feleo (@ina_feleo)

Sa Hearts On Ice, napapanood si Ina bilang si Coach Wendy, isang figure skating coach, habang ginagampanan naman ni Ashley ang figure skater na si Ponggay.

Kuwento ni Ina sa GMANetwork.com, nakitaan niya ng "killer instinct" si Ashley sa pagganap nito sa kanyang role sa Hearts On Ice.

"Si Ashley naman is very hardworking. She fits the role in a way na talagang makikita mong she's very competitive," sabi ni Ina.

Dagdag niya, "Mayroon siya nung killer instinct na usually figure skaters have because nga it's a sport na mag-isa ka, sobrang intense 'yung labanan. It's not usually as obvious as nasa show, pero usually pailalim. 'Yun parang intense ang labanan pagdating sa skating and si Ashley has that killer instinct. Makikita mo rin sa mata niya na mayroon siya--'yung laban, 'yung 'hala bira.'

"You know hindi naman din magiging ganoon ka-pleasant 'yung environment kung hindi pleasant 'yung bida mo. Or I have to say also si Direk [Dominic Zapata] 'yung aming direktor and even Direk Aya, talaga they make it to point na sobrang easy, the energy is always there. It's always masaya, nadadala sa buong set."

Sa interview, ibinahagi rin ni Ina ang twist na mangyayari sa kanyang karakter sa Hearts On Ice, na aniya dapat ding abangan ng manonood.

Patuloy na subaybayan ang Hearts On Ice, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.

Mapapanood din ang Hearts On Ice sa Pinoy Hits, I Heart Movies, GTV (11:30 p.m.), at naka-livestream din ito sa GMANetwork.com.

TINGNAN ANG FIGURE SKATING JOURNEY NI INA FELEO SA GALLERY NA ITO: