
Wala na ngang hihilingin pa si Bea Alonzo dahil sa tinatakbo ng kanyang career at lovelife.
Bukod sa ginagawa niyang serye kasama si Dennis Trillo, mapapanood din bilang talent competition judge ang aktres sa unang pagkakataon via Battle of the Judges na mapapanood na simula July 15 sa GMA.
Sa media conference ng bago niyang programa noong Linggo, July 9, inusisa muli ang umano'y engagement ni Bea sa boyfriend niyang si Dominic Roque.
Ito ay matapos mag-post ni Dominic noong June 3 sa Instagram ng kanilang mga larawan sa beach na may candlelit dinner setup pa. Maraming netizens ang na-curious at nagkomento kung "lumuhod na ba" si Dominic.
Mariing pagde-deny ni Bea, "Sabi ko, 'Huwag n'yong i-jinx. Hindi pa.' Hindi pa, hindi pa. Siyempre, pinag-uusapan na namin 'yan. Siyempre, 35 years old na 'ko. Talagang nasa ano na 'yan, nasa mga plano na 'yan."
Patuloy pa ng aktres, “Ngayon, ang proposal, lalaki ang nagpo-pro…ay, actually, hindi. That's not true. Hindi lang pala lalaki ang nagpo-propose, may mga babae ring nagpo-propose.
“But in our case, tingin ko hindi ako 'yung magpo-propose sa kanya. Tingin ko, siya ang magpo-propose sa 'kin."
Kaya ba niyang siya ang mag-propose sa lalaki?
Tugon ni Bea, “Hindi naman. Of course, I'm an empowered woman, I can do whatever I want."
Paliwanag pa niya, "It's just that Dom is the romantic type. Gusto niya, siya 'yung nanliligaw, siya 'yung nag-e-effort at ibibigay ko sa kanya 'yun, siyempre."
Samantala, naniniwala rin daw si Bea sa kasagraduhan ng kasal kaya mas gugustuhin niyang maikasal muna kay Dom bago sila magkaanak.
"Traditional kasi ako, conservative pa rin ako that way. Walang masama na mauuna 'yung baby. Para sa akin, I don't judge those people. Kaya lang, para sa 'kin, 'yun lang talaga ang pinangarap ko.
“Gusto ko munang ikasal tapos bumuo ng pamilya na kasal na kami. Kumbaga, may blessing na kami ni Lord."
Tumatawang ibinunyag naman ni Bea na ilang beses na siyang kinukulit ng kanyang ina na bigyan na siya ng apo.
“Kasi may dalawa na siyang apo sa kapatid ko. Siyempre, kinukulit na niya 'ko lagi, halos araw-araw. Sabi niya, 'Ano na, kailan ka na? Gusto ko na ng mapuputing apo. Mga mestiso, mestisa.'
“Kasi, siyempre, ang puti naming dalawa ni Dom, 'di ba? Pero si Mama, support lang 'yun e. Pero actually, nilalatag ko rin kay Dom."
Kahit hindi pa sila engaged, bawat gagawin daw niyang desisyon ay pinapaalam niya kay Dom.
“Siyempre, nando'n na kami sa point ng relationship na involved na siya pati sa professional life ko, siyempre.
“Like kinukuwento ko sa kanya, tinatanong ko sa kanya, 'Sa tingin mo ba makakabuti sa career ko ito?' And, of course, 'yung mga advice niya nagma-matter. Talagang tini-take ko 'yun.
“There are times na hindi ko tini-take and that's okay for him as long as nagkakaintindihan kami. But, siyempre, malaking-malaking parte siya ng buhay ko, 'di ba?”
TINGNAN ANG ILANG SWEET PHOTOS NINA BEA AT DOM DITO: