GMA Logo Ina Raymundo and Wendell Ramos
Source: inaraymundo95 (IG), wendellramosofficial (IG)
Celebrity Life

Ina Raymundo, Wendell Ramos, nananatiling ageless dahil sa active at healthy lifestyle

By Kristian Eric Javier
Published April 26, 2026 6:31 PM PHT

Around GMA

Around GMA

EDSA-Ortigas Interchange reopens to light vehicles on Monday
Farm to Table: (April 26, 2026) LIVE
EDSA-Ortigas Interchange to open on Monday, April 27

Article Inside Page


Showbiz News

Ina Raymundo and Wendell Ramos


Alamin ang sikreto nina Ina Raymundo at Wendell Ramos para manatiling fit at ageless.

Patunay sina The Secrets of Hotel 88 actress Ina Raymundo at Kamao actor Wendell Ramos sa mga katagang “age is just a number” dahil sa kabila ng kanilang mga edad, looking young at fit pa rin ang dalawang aktor.

Sa katunayan, kitang-kita sa kanilang Instagram posts ang ganda ng kanilang mga katawan na nagsisilbing fitspiration para sa mga nanghahangad ng fit na body.

Sa report ni Nelson Canlas para sa 24 Oras Weekend nitong Sabado, April 25, ibinahagi niya ang tips at tricks ng dalawang aktor para manatiling ageless.

Sa Fast Talk with Boy Abunda noong Thursday, April 23, pinansin ni King of Talk Boy Abunda na tila walang nagbago sa hitsura ng aktres kumpara noong '90s kung kailan nagsisimula pa lang siya. Ayon kay Ina, ito ay dahil naging mas mindful na siya sa mga ginagawa, at iniiwasan ang pag-inom ng alak.

“I'm very mindful na of what I do, and also I'm not drinking for now, 115 days alcohol free ako. You know, I didn't do this because I'm an alcoholic. I'm not an alcoholic. It's because every time I would drink, once in a blue moon, 'yung hang over, I hate it. I'm so healthy, biglang I feel sick. I don't like it, so I said, 'No, that's it,'” sabi ng aktres.

Sabi ng aktres, hindi ibig sabihin nito na hindi na siya muling iinom pa ng alak. Gusto lang niya maglaan ng isang taon nang hindi siya umiinom.

Nilinaw din ni Ina na hindi siya takot tumanda. Sa halip, “I wanna age gracefully. I wanna age where I don't feel any pain, I don't have a chronic disease.”

TINGNAN ANG AGELESS BEAUTY NI INA SA GALLERY NA ITO:

Samantala, susi naman umano si fitness ni Wendell ang kaniyang disiplina sa diet at consistent na pagwo-workout.

Pagbabahagi ni Wendell sa panayam sa kaniya ni Nelson, “Wala namang overnight diet, walang overnight na magiging ganito kaagad 'yung itsura mo. It's all about, sabi ko nga, mas malalim na purpose.”

Aminado rin ang aktor na mahirap ang paglimita sa sarili sa pagkain at pagwo-work out, ngunit na-e-enjoy naman niya umano ito.

“Mas mahirap kasi para sa akin 'yung bawal ka na ng ganito. So ngayon, wala pa naman akong bawal, inunahan ko na,” sabi ng aktor.

Panoorin ang report ni Nelson dito: