GMA Logo Elmo Magalona, Arkin Magalona
Photo by: @itsShowtimeNa X
What's on TV

'It's Showtime', nagbigay pugay sa musika ni Francis Magalona

By Kristine Kang
Published December 1, 2025 3:38 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Octopus, ginawang bahay ang basurang lata sa ilalim ng dagat
376 Mananagat sa Lapu-Lapu City Nakadawat og Ayuda sa National Government | Balitang Bisdak
Handaan sa Araw ng Kalayaan! (Full Episode) | Farm to Table

Article Inside Page


Showbiz News

Elmo Magalona, Arkin Magalona


"Si Francis Magalona ang talagang nagpalakas ng hip hop [at] rap," saad ni Vice Ganda.

Isang bigating buena manong selebrasyon ang sumiklab sa It's Showtime stage para sa kanilang 16th anniversary!

Nitong Lunes (December 1), ipinakita ng mga host ang kanilang rap skills kasama ang ilan sa mga magagaling na OPM rappers ngayon. Kabilang sina Paul N' Ballin, Dice & K9, Drey & Bert, Aikee, at ang "Tawag ng Tanghalan All-Star Grand Resbak 2025" champion na si Marko Rudio.

"Maraming salamat sa inyong lahat," ani Vice Ganda sa lahat ng artist guests. "'Yun na 'yung mga kantang ipinamana n'yo rito sa Pinas. Dahil d'yan sabi ni Kim (Chiu), ang taas ng tingin namin sa inyo."

Pinasalamatan din ng mga host ang bawat rappers sa kanilang iconic songs na naging parte sa paglaki at buhay ng bawat Pilipino.

Siyempre, hindi rin nalimutan ng It's Showtime family na magbigay pugay sa isa sa mga minahal na rappers noon, ang namayapang icon na si Francis Magalona.

Ang kanyang mga kanta ay ipinagmalaking pinerform ng kanyang mga anak na sina Elmo at Arkin.

"At syempre panimula natin ang 'Mga Kababayan', 'di ba. 'Di naman lingid sa kaalaman ng lahat na si Francis Magalona ang talagang nagpalakas ng hiphop, rap. Ako para sa akin, siya ang nag-introduce sa akin ng rap at ng hiphop," kwento ni Vice.

"Dumami nang dumami ang nagkagusto at nagkaroon ng kaalaman tungkol sa hiphop at rap dahil kay Francis Magalona. Sarap sa pakiramdam na kinanta 'yung awitin ni Francis Magalona, kapiling natin ang dalawa sa kanyang mga anak."

"Thank you so much. Happy 16th anniversary din," bati ni Elmo. "Mula sa family namin, thank you, thank you so much for showcasing rap. Mabuhay OPM!"

Ang rap performance ay ang unang special number ng kanilang MagPASKOsikat celebration sa kanilang anibersaryo ngayong taon.

Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.

Samantala, balikan ang 15th anniversary celebration ng It's Showtime sa gallery na ito: