GMA Logo Ivana Alawi Viy Cortez Cong TV
Courtesy: Ivana Alawi (YouTube), Viy Cortez (Facebook)
Celebrity Life

Ivana Alawi, naging 'maid for a day' nina Viy Cortez at Cong TV

By EJ Chua
Published July 4, 2026 11:42 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Megan Young shares what confidence means to her today
GMA Kapuso Foundation brings free medical services to quake-hit residents in Northern Cebu
2 suspects in gadget store heists in Mindanao nabbed

Article Inside Page


Showbiz News

Ivana Alawi Viy Cortez Cong TV


Nakipag-collab si Ivana Alawi sa kina Viy Cortez at Cong TV sa isang vlog. Panoorin ang kanilang kulitan dito.

Ang couple content creator na sina Cong TV at Viy Cortez ang pinakabagong mga naka-collab ni Ivana Alawi.

Sa latest vlog ni Ivana sa YouTube, ibinida niya ang kaniyang video na pinamagatang "Maid for a day with Viy and Cong."

Ibinahagi niya sa unang parte ng vlog na noong siya ay bata pa, pangarap niyang maging isang helper lalo na't naging malapit sa puso niya ang naging nanay-nanayan niya na kasambahay nila noon sa Bahrain.

Mapapanood sa bagong content ni Ivana ang pag-duty niya bilang helper nina Viy at Cong, kung saan nakasama at nakatrabahao niya rin ang mga kasambahay ng couple.

Bukod sa paghuhugas ng mga plato, inalagaan niya rin ang mga anak nina Viy at Cong na sina Kidlat at Tokyo.

Makulit din niyang sinubukan ang iba pang gawaing bahay at hindi rin niya pinalampas ang pagsama sa pag go-grocery.

Sa kasalukuyan, mayroon nang 1.4 million views ang "Maid for a day" vlog ni Ivana sa YouTube.

Sila Ivana, Cong, at Viy ay ilan sa most-followed content creators ngayon sa bansa.

Kilala sila sa iba't ibang content gaya ng travel vlogs, pranks, at iba pang vlog na mayroon silang ka-collab na celebrities at iba pang vloggers.

Related gallery: TikTok creators na may milyon-milyong followers online