GMA Logo Jackie Gonzaga
What's on TV

Jackie Gonzaga, na-gong sa 'Tawag ng Tanghalan'

By Kristine Kang
Published October 8, 2024 7:49 PM PHT

Around GMA

Around GMA

BTS reunites for a celebration ahead of Christmas
Content creator Arshie Larga reveals his biggest investment in 2025
Girl rescued, hostage-taker killed in Marawi City

Article Inside Page


Showbiz News

Jackie Gonzaga


Ogie Alcasid sa pag-gong kay Jackie Gonzaga: “Gumaganti lang ako.”

Tila hindi talaga tadhana para kay Jackie Gonzaga na pumasok sa singing competition segment ng It's Showtime na "Tawag ng Tanghalan: The School Showdown."

Noong Martes (October 8), nag-umpisa ang kanilang kulitan nang biniro ni Vhong Navarro si Jackie na siya lang daw ang marunong kumanta sa kanilang pamilya.

"Para lang kanila Jackie kasi wala talagang kumakanta sa pamilya niya, siya lang talaga din, e," ani Vhong.

Hirit naman ni Kim Chiu, "Sabi ng nanay niya, 'Nak, sobrang proud ako.' 'Di ba sabi ng mama mo lagi?"

Game na game naki-ride on sa biruan si Jackie at sumang-ayon sa kanila. "Oo lagi. Tuwing naririnig niya na kumakanta ako parang angel 'yung (boses ko)," sabi niya nang may pagmamalaki.

Natawa ang audience nang magbiro si Vhong, "Kinikilibutan nanay mo noon nu'ng kumakanta ka."

Bago pa makalusot si Jackie sa asaran, humiling ang madlang audience na ipakita niya ang kanyang galing sa pagkanta sa stage. Daili-dali pa naghanda si Jackie kumanta, ngunit sa bawat buwelo nito, sumisingit palagi ang mga host.

"Sure ka dyan,ah?" tanong din ni MC bago makakanta si Jackie. "Baka mamaya lang kasi,e (manerbyosin)," dagdag pa niya.

"Jackie kanino mo inaalay ito?" patawang tanong ni Kim habang bumwelo si Jackie.

Ngumiti ang Ate Girl at sumagot ng pahugot, "Sa mga nawawalang tao, naliligaw, at gustong bumalik sa tama."

"May pinariringgan ka ba?" tanong ni Kim habang tumatawa.

Ngiting sinagot ni Jackie na wala naman daw siyang pinatatamaan at nagpatuloy siya sa kanyang pagkanta. Ngunit sa simula ng kanyang performance, biglang nagsinyales ang punong hurado na si Ogie Alcasid na mag-gong.

Tawang-tawa ang madlang Kapuso at pati na ang mga host. "Walang bilang-bilang, hudyat na kaagad," biro ni Vhong habang tumatawa.

Nagreklamo si Jackie kay Ogie dahil hindi man lang daw ito nagbilang ng tatlo.

"Gumaganti lang ako," simpleng paliwanag ni Ogie, kaya't natawa na lang si Jackie.

Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA, GTV, at iba pang Kapuso platforms.

Samantala, kilalanin pa si Jackie Gonzaga sa gallery na ito: