
Isa si James Blanco sa stellar cast ng upcoming afternoon series na Forever Young, na pagbibidahan ng award-winning child actor na si Euwenn Mikaell.
Makakasama ni James sa Forever Young ang veteran actors na sina Michael De Mesa at Eula Valdes, ang mahuhusay na mga artista na sina Nadine Samonte, Alfred Vargas, Rafael Rosell, at Lucho Ayala, at ang young stars na sina Althea Ablan, Princess Aliyah, at Bryce Eusebio.
Patuloy pa ring sumasalang sa taping ang cast ng Forver Young. Noong September 5, ipinasilip ni James ang ilang behind-the-scenes mula sa taping kasama si Euwenn.
Ano kaya ang magiging role ni James sa buhay ni Rambo (Euwenn)?
Bukod dito, ipinasilip din ni James Blanco ang ilang fight scenes kasama si Rafael Rosell.
Komento naman ni Eula sa post na ito ni James, "Ano ba 'yan, 'Nak? Naging rag doll ka na! Igaganti kita."
Ang Forever Young ay iikot sa pambihirang kuwento ni Rambo, isang 25-year-old na na-trap sa katawan ng isang 10-year-old dahil sa rare medical condition na panhypopituitarism kung saan naapektuhan ang paglaki nito.
Abangan ang Forever Young ngayong Oktubre sa GMA Afternoon Prime.
TINGNAN ANG NAGANAP NA STORY CONFERENCE NG FOREVER YOUNG SA GALLERY NA ITO: