TV

Jasmine Curtis-Smith at Pancho Magno, nakaranas ng performance anxiety sa taping ng 'Love On The Balcony'

By Dianara Alegre

Ibinahagi nina Kapuso stars Jasmine Curtis-Smith at Pancho Magno na kahit papaano ay nakaramdaman sila ng performance anxiety sa taping ng bago nilang series na “Love On The Balcony."

Bukod sa pangambang dulot ng pandemic, aminado rin ang dalawa na dahil sa anim na buwan silang hindi nagtrabaho ay nanibago sila sa pag-arte.

Ibinahagi nila ito sa Kapuso Brigade ZOOMustahan nitong Huwebes, September 24.

“I think siguro all of us naman sa first day parang…alam mo 'yung six months kang hindi umaarte. Ang tagal mong hindi in-exercise 'yung shift ng isip mo o pagkatao mo for a project. So, medyo rusty,” lahad ni Jasmine.

Dagdag pa niya, “Iba 'yung isip mo, e. Kaming mga actor ang iniisip nga namin is unang una pagdating namin sa set at pag-time nang magbatuhan ng linya, kami ang magtatanggal ng mask. I think doon papasok 'yung performance anxiety namin.”

Nilinaw din niyang hindi nagtagal ang naramdaman niyang performance anxiety dahil sa bukod sa mahigpit nilang sinunod ang healthy protocols laban sa COVID-19, responsable ang lahat ng staff at crew ng serye.

“But above all else, kapag na-settle mo 'yung utak mo na lahat naman kami nag-test, lahat naman kami parang kumikilos abiding the protocol, parang mamasahe mo na nang konti 'yung anxiety na 'yon and mas magagampanan mo na nang maayos 'yung dapat mong gawin.

“Ini-safeguard naman nila 'yung protocols kasi parang 'yun 'yung makakapag-bounce back sa 'yo kung lahat ay mindful and responsible," saad pa niya.

Source: jascurtissmith (IG)

Sinabi naman ni Pancho na ang pangambang naramdaman niya ay para sa kaligtasan ng kanyang pamilya.

“'Yung pressure siyempre with my case siguro dahil sa family but siguro nga dapat mawala 'yon,” aniya.

Source: magnopancho (IG)

Samantala, ipalalabas na ngayong gabi, September 28, ang “Love On The Balcony” na bahagi ng drama anthology na I Can See You.

Tampok din sa serye sina Asia's Multimedia Star Alden Richards, Denise Barbacena, at Shyr Valdez.

Ang 'Love On The Balcony' ay mula sa direksyon ni LA Madridejos.

Kung gusto n'yo ring maka-bonding ang inyong favorite Kapuso stars online, sumali na sa Kapuso Brigade! Padalhan lang sila ng mensahe sa Facebook, Twitter o Instagram: @kapusobrigade.