TV

Alden Richards on Jasmine-Curtis-Smith: 'Hindi siya mahirap makapalagayan ng loob.'

By Dianara Alegre

Nagsimula nang ipalabas ang four-part drama anthology na I Can See You nitong Lunes ng gabi, September 28.

Sinimulan ito ng mini-series na “Love On The Balcony,” na pinagbibidahan nina Asia's Multimedia Star Alden Richards, Jasmine Curtis-Smith, at Pancho Magno.

Sa report ng 24 Oras, ibinahagi nilang gumaan ang takbo ng taping kahit na mahigpit na sinunod ang health protocols dahil madali silang nagkapalagayan ng loob.

“Hindi naman mahirap si Jasmine makapalagayan ng loob since nagkita na nga kami before and nakakapag-usap din kami before.

“Pero this is the first time that we'll going to be working with each other na love pairs,” sabi ni Alden.

Ayon kay Jasmine, mas naging mahirap ang taping ngayon dahil kailangan nilang magsuot ng PPE.

“It's safe pero may iba ring effect 'yon. So it's an extra layer of safety that they have to worry about.

“And ikaw din, iisipin mo rin para sa kanila kasi kung sa panahon ngang wala tayong ganu'ng bagay na sinusuot, e, nahihirapan na tayo sa taping.

"Thankfully, there's a shorter hours now per taping,” aniya.

Ang pinaka-challenging naman para kay Pancho ay ang mga dapat niyang gawin bago umuwi sa kanyang pamilya.

“Natsa-challenge lang ako du'n sa pag-uwi ko sa house.

"Kailangan laging makapag-swab test ako before ako umuwi.

"Pero kahit na negative ako, I make sure na hindi na ako lalabas pa.

"Dito na lang ako sa house, quarantine ko sarili ko para 'di na ako ma-expose,” lahad niya.

Kasama rin nila sa serye sina Denise Barbacena at Shyr Valdez. Mula ito sa direksyon ni LA Madridejos.

Mapapanood ang I Can See You: Love On The Balcony mula September 28 hanggang October October 2, sa GMA Telebabad, pagkatapos ng Encantadia.