GMA Logo Jasmine Curtis-Smith, John Lloyd Cruz
Source: jascurtissmith (Instagram)
What's Hot

Jasmine Curtis-Smith, masaya na makatrabaho si John Lloyd Cruz sa isang pelikula

By Jimboy Napoles
Published July 22, 2022 12:55 PM PHT

Around GMA

Around GMA

EU drops 2035 combustion engine ban as global EV shift faces reset
Dawn fire razes 7 houses in Estancia, Iloilo
Japanese lifestyle brand unveils limited edition 'Evangelion' merch collection

Article Inside Page


Showbiz News

Jasmine Curtis-Smith, John Lloyd Cruz


Magsasama sa isang pelikula sina Jasmine Curtis-Smith at John Lloyd Cruz. Alamin ang detalye, RITO:

Abala ngayon ang Kapuso actress na si Jasmine Curtis-Smith sa kanyang kabi-kabilang film projects matapos ang matagumpay na pagtatapos ng kanyang huling serye na The World Between Us kasama si Alden Richards.

Isa sa mga ginagawa niya ngayon ang pelikula kung saan kasama niya ang award-winning actor na si John Lloyd Cruz.

Hindi naman bago para kay Jasmine ang makatrabaho si John Lloyd dahil nagkasama na rin sila nang minsan siyang maging guest sa sitcom ni JLC na Happy ToGetHer sa GMA.

Sa "Chika Minute" report ni Aubrey Carampel para sa 24 Oras, inamin din ni Jasmine na magaan at masaya siya na muling makatrabaho si Lloydie.

Aniya, "It's easy, it's light, you can ask him anything, siya rin kasi ang producer ng pelikula so napaka-hands on niya rin sa ginagawa namin na kahit hindi siya naka-call for the day dadalaw siya sa set, tututok siya, masaya siya katrabaho."

Bukod sa film projects, abala rin ngayon si Jasmine sa pagtulong sa isang fundraising project ng isang global humanitarian organization na may layong makapagbigay ng back-to-school kits sa mga estudyante.

Kuwento niya, "Iba 'yung pakiramdam kapag nakita mo 'yung mga kaklase mo na merong complete set of learning materials, at ikaw kulang-kulang [ang gamit] and baka hindi enough 'yun for at least the next term so these are the things that we need to press on it and make sure people will know that we need to help the kids so our future, their future be much better."

SAMANTALA, KILALANIN NAMAN ANG MGA NAGING LEADING MEN NI JASMINE SA TV AT PELIKULA SA GALLERY NA ITO.