
Mapapanood sa Sabado, December 10, ang isa na namang kapana-panabik na episode ng Wish Ko Lang na idinirehe ng award-winning writer and director na si Direk Jason Paul Laxamana.
Tampok sa "Teacher, Pinagtulungan!" episode ng Wish Ko Lang ang kuwento ni Teacher Thess, na pinagtulungan ng kapwa niya mga guro para mapaalis sa eskwelahang pinagtatrabahuhan niya.
Pagbibidahan ni Kapuso actress Mikee Quintos ang nasabing episode. Makakasama niya rito sina Maybelyn dela Cruz, Allan Pule, David Remo, Lee Loyola, Tart Carlos, Stephanie Sol, at Gigi Locsin.
Huwag palampasin ang kaabang-abang na episode na ito na idinirehe ni Direk Jason Paul Laxamana ngayong Sabado, December 10, alas-4 ng hapon sa GMA.
MAS KILALANIN SI MIKEE QUINTOS SA GALLERY NA ITO: