
Halos magdadalawang buwan na nang pumirma ng kontrata ang komedyante na si Jayson Gainza sa Sparkle GMA Artist Center.
Matatandaan na isa si Jayson sa mga big surprise talent sa Signed for Stardom event noong November 2022.
Sa eksklusibong panayam ng GMANetwork.com kay Jayson, sinabi nito na sisikapin niya na masuklian ang tiwala ng mga boss niya sa Kapuso Network.
Sabi ng Sparkle comedian, “Masaya siyempre kasi hindi naman lahat din puwedeng tangaapin sa Sparkle kung ano man 'yung nakita nila sa akin na potential pinagpapasalamat ko at sisikapin ko na mas mapabuti ang trabaho [at] hindi sila biguin.”
Ibinahagi rin ng well-loved comedian na humingi muna siya ng payo sa award-winning comedienne na si Pokwang bago siya pumirma ng kontrata at maging Kapuso. Naging official Sparkle talent si Pokwang noong June 2021.
Lahad ni Jayson, “Si Mamang [Pokwang] napagtanungan ko kasi, [since] naunang [siyang lumipat at gaya ko rin na may pamilya na kailangan ng trabaho, sa kanya ako nagtanong at tinulungan naman niya ako.”
Bukod sa sitcom na Happy ToGetHer, napapanood din bilang guest co-host ang Kapuso actor sa morning game show na TiktoClock.
Sino kaya sa mga Kapuso star ang gusto niya makatrabaho soon?
Ani Jayson, “Siyempre sana mapasabak ulit sa mga teleserye na miss ko 'yun, siymepre makatrabaho sina Ken Chan, Dingdong [Dantes] at si Alden [Richards] kahit sidekick.”
MEET SPARKLE COMEDIAN JAYSON GAINZA IN THIS GALLERY: