GMA Logo Jayson Gainza
Source: imjaysongainza (IG)
What's on TV

Jayson Gainza, may napansin sa pagpapatawa ni John Lloyd Cruz sa 'Happy ToGetHer'

By Aedrianne Acar
Published January 10, 2023 6:04 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Pope Leo XIV at the Vatican
18-year-old student arrested in Dagupan drug bust
Michelle Dee celebrates the holidays with a designer bag

Article Inside Page


Showbiz News

Jayson Gainza


Alamin ang kuwento ni Jayson Gainza tungkol sa katrabaho niya sa hit sitcom na 'Happy ToGetHer' na si John Lloyd Cruz.

Approved sa Sparkle comedian na si Jayson Gainza ang comedy style ng multi-awarded TV idol na si John Lloyd Cruz sa hit sitcom nilang Happy ToGetHer.

Gumaganap si Jayson bilang ang mekanikong si Mike at single daddy naman na si Julian, ang karakter na pino-portray ni John Lloyd Cruz.

Nakakatuwa ayon sa Kapuso comedian na makita ang funny side ng seasoned actor na nakilala sa larangan ng drama at romcom projects.

Lahad ni Jayson sa GMANetwork.com, “May humor si John Lloyd Cruz, minsan humirit at pasok lagi siya.

“Nakita ko lang na 'yung heartthrob image niya, nababali niya 'yung pagseseryoso niya sa comedy. May timing, mahirap 'yung pag-aralan at pakiramdaman, para sa kanya given na 'yun.”

Samantala, humahanga rin siya sa kanyang co-star na si Ashley Rivera na ginagampanan ang role bilang sexy secretary na si Pam.

“Si Ashley Rivera magaling, may sariling style, at stick sa character at may timing din,” ani Jayson.

Sa isang taon na pag-ere ng Happy ToGetHer, ilan sa sikat na celebrities ang nag-guest na sa kanilang show.

Sino kaya sa mga ito ang favorite na nakatrabaho ni Jayson?

Pag-amin ng comedian, “Ang paborito ko si Bianca Umali na nag-guest kasi siya gumanap na Basha/Issa. Nung una nahihiya pa ako kaya kinausap ko siya sa mga gagawin at ia-adlib ko, lumabas naman. Maganda 'yung aming eksena at bagay sa sitcom, nakakasabay siya.”

MEET SPARKLE COMEDIAN JAYSON GAINZA IN THIS GALLERY: