GMA Logo Jelai Andres and Buboy Villar
Celebrity Life

Jelai Andres at Buboy Villar, sumabak sa 'Jowa Challenge'

By EJ Chua
Published February 4, 2022 6:57 PM PHT

Around GMA

Around GMA

24 Oras Weekend Livestream: December 27, 2025
Purple Hearts Foundation brings joy via year-end gift-giving outreach
Davao police say boy’s injury not caused by firecrackers

Article Inside Page


Showbiz News

Jelai Andres and Buboy Villar


Jelai Andres at Buboy Villar, nagdala ng good vibes sa netizens sa pamamagitan ng isang vlog.

Para sa isang bagong vlog, pinagbigyan ng famous celebrity vlogger na si Jelai Andres ang kanyang fans sa kanilang request na gawin din niya ang trending content na “Jowa Challenge.”

Upang mas maging kuwela ang kanyang content, inimbitahan niya ang kanyang kaibigan at former Owe My Love co-star na si Buboy Villar para magpanggap na boyfriend niya sa vlog.

Sa unang part ng vlog ni Jelai, nagulat si Buboy dahil siya ang pinili ni Jelai na maka-collab sa “Jowa Challenge.''

Biro ni Buboy kay Jelai, ang dami mo nang nakasama, ibig sabihin ba pinagtatadyakan ko lang 'yung mga 'yun…”

Sagot naman ni Jelai, “Ikaw ang nire-request nila.”

Bago magsimula ang challenge, naka-ilang take pa sila sa sweet scenes na intro dapat ng content.

Kapansin-pansin na sobrang close nila ni Buboy at Jelai, kaya naman puro biruan at kalokohan ang kanilang pinag-uusapan.

At bilang kunwaring magnobyo at magnobya, naging sweet sila sa isa't isa at ang ginamit pa nila ang salitang “baby” bilang kanilang term of endearment.

Sa pagpapatuloy ng challenge, pinagmaneho pa ni Jelai si Buboy at nag-holding hands pa ang dalawa habang nasa biyahe.

Nang makarating na sa kanilang pupuntahan, makikitang sweet ang dalawa habang sila ay nag-date.

Tulad ng ilang magkarelasyon, nagtatampuhan at nagsusuyuan pa sina Jelai at Buboy.

Tinapos naman ng kuwelang celebrities ang challenge sa pamamagitan ng isang dramatic scene.

Bukod sa challenge na ito, nagkasama na rin sina Jelai at Buboy sa iba pang vlogs na mapapanood sa YouTube channel nilang dalawa.

Samantala, tingnan ang bikini photos ni Jelai Andres sa gallery na ito: