
The long wait is over para sa fans at subscribers ng vlogger-actress na si Jelai Andres.
Tulad ng ilang vloggers, pinagbigyan na rin ni Jelai ang matagal na nilang hiling- ang ipasilip ng vlogger ang kanyang walk-in closet.
Ang title ng bagong vlog niya ay "Most Requested Walk-in Closet Tour."
Mapapanood sa naturang vlog na nagsimulang magvideo si Jelai sa labas ng kanyang walk-in closet hanggang sa makapasok siya sa loob nito.
Bumungad sa fans ang mga naka-display na designer bags ng vlogger.
Sa likod naman ng pinto ng kanyang walk-in closet, makikita ang isang full body mirror.
Naka-display din dito ang mga bago at mamahaling damit ni Jelai, na ayon sa kanya ay inililipat na niya sa kanyang cabinet kapag nasuot na niya.
Sa kanya namang transparent na table organizer, makikita ang kanyang stylish sunglasses, jewelries, at marami pang iba.
Binanggit niya sa naturang vlog na hilig niya talaga ang pagsusuot ng shades o sunglasses.
Ibinahagi pa niya sa viewers na ang bagong bili niyang Gucci shades ang isa sa mga paborito niya sa kanyang collection.
Sa kasalukuyan, mayroon nang mahigit 72,000 views ang naturang vlog ni Jelai.
Sa comments section, mababasa ang ilang positive comments ng netizens sa pinakabagong content ng vlogger-actress.
Matatandaang noong December 2022, may pa-room tour naman si Jelai.
SAMANTALA, NARITO ANG ILAN PANG WALK-IN CLOSET NG CELEBRITIES: