GMA Logo Jeric Gonzales at Liezel Lopez
Photo source: GMA Drama
What's on TV

Jeric Gonzales at Liezel Lopez, bagong kakampi sa paghihiganti ni Kiara sa 'Apoy sa Dugo'

By Karen Juliane Crucillo
Published June 16, 2026 4:56 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Strong 6.7-magnitude quake strikes southern Peru — USGS
Man lands in hospital after fire razes home in Bacolod
Otherworld Festival Manila is happening this November

Article Inside Page


Showbiz News

Jeric Gonzales at Liezel Lopez


Abangan ang mga karakter nina Jeric Gonzales at Liezel Lopez sa finale week ng 'Apoy sa Dugo.'

Mas tumitindi ang banggaan sa pagitan nina Vanessa (Elle Villanueva) at Kiara (Ashley Ortega) sa nalalapit na finale ng GMA Afternoon Prime series na Apoy sa Dugo.

Para sa isang “crazy plot twist” sa serye, mas nadagdagan pa ang kakampi ni Kiara mula sa mental facility upang tulungan siya sa paghihiganti laban kay Vanessa at sa buong pamilya Panganiban.

Isa sa mga bagong kakampi ni Kiara ay ang Sparkle artists na sina Jeric Gonzales at Liezel Lopez (Ligaya), na gumaganap bilang magkasintahan.

Sa patindi nang patinding mga eksena sa serye, susugod si Kiara kasama sina Omar at Ligaya sa bagong bahay ng pamilya Panganiban.

Ano kaya ang naghihintay na kaguluhan sa pamilya Panganiban? May plano rin kaya si Vanessa para pigilan ang patuloy na kasamaan ni Kiara?

Abangan ang mas tumitinding mga eksena sa finale week ng Apoy sa Dugo mula Lunes hanggang Biyernes, 4:05 p.m. sa GMA Afternoon Prime.

RELATED GALLERY: Before the sister war: Vanessa and Angel's sisterhood moments in 'Apoy sa Dugo'