GMA Logo Jeric Gonzales
What's on TV

Jeric Gonzales, gaganap bilang deaf student sa '#MPK'

By Marah Ruiz
Published October 14, 2020 4:57 PM PHT
Updated January 21, 2022 6:45 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Raffy Tulfo ties Sara Duterte in Pulse Asia match-up poll; Leni closes in
Farmers in Iloilo get help in transporting harvest to city
6 Strategies to improve self-control

Article Inside Page


Showbiz News

Jeric Gonzales


Gaganap bilang isang estudyanteng deaf si Jeric Gonzales sa episode ng '#MPK' ngayong Sabado.

Isang kuwento ng pag-ibig na 'di magpapatalo sa panghuhuhusga ang hatid ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman ngayong parating na Sabado

Sign Language of Love on MPK

Tampok dito si Kapuso hunk Jeric Gonzales bilang si Alex, isang deaf student na mahuhulog ang loob sa kanyang teacher.

Marami ang tututol sa kanilang relasyon dahil bukod sa isang person with disability si Alex, may agwat din ang kanilang edad.

Makakatambal ni Jeric si Thea Tolentino na gaganap naman bilang kanyang guro na si Beth.

Maipaglaban kaya ng dalawa ang kanilang pag-ibig?

Alamin 'yan sa episode na pinamagatang "Sign Language of Love," ngayong Sabado, January 22, 9:00 p.m. sa #MPK.

Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito: