
Wala pang Ber months pero ramdam na ramdam na ang Kapaskuhan sa bahay ng batikang action star na si Jeric Raval.
Sa interview sa award-winning journalist at news reporter na si Susan Enriquez para sa "Kay Susan Tayo! Vlogs," ikinuwento ni Jeric ang dahilan kung bakit all-year-round ang spirit of Christmas sa kanyang bahay.
"Kasi Susan lumaki ako sa hirap. Ang nanay ko at saka tatay ko, hiwalay 'yan. Tapos si nanay, syempre, teacher ang nanay ko, hindi naman kalakihan ang sweldo ng teacher nu'ng araw," sabi ng aktor.
"Pangalawa, 'pag Pasko, nakakaramdam ako ng saya no'n. Saka 'pag New Year masaya. Gusto ko 'pag New Year kumpleto kami. Lahat kami. Halimbawa s'ya, saan mo gustong mag-Pasko? Sige, gusto kong mag-Pasko do'n. Pero New Year dito kayong lahat. Kaya dito ang dami namin 'pag New Year."
Ani Jeric, kahit na iba-iba ang nanay ng kanyang mga anak ay magbabarkada lahat ito.
Nang tanungin kung kumusta ang relasyon ng 18 niyang mga anak, sagot ng aktor, "They know each other. Wala akong problema."
Ikinuwento rin ng aktor kung paano niya pinapantay ang pagmamahal niya sa kanyang mga anak.
"Unang-una time management that time. Pangalawa, pantay-pantay 'yan e. Tingin ko d'yan pantay-pantay."
Panooring ang buong interview ni Jeric Raval sa "Kay Susan Tayo! Vlogs" dito:
Related content: Jeric Raval, hinimok si AJ Raval na umamin tungkol sa mga anak: 'Para
matapos na'