GMA Logo jestoni alarcon and angela alarcon
What's on TV

Jestoni Alarcon, bina-background check ang mga manliligaw ni Angela

By Kristian Eric Javier
Published May 15, 2024 11:21 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Amihan to bring cloudy skies, light rains over PH
Purple Hearts Foundation brings joy via year-end gift-giving outreach
Davao police say boy’s injury not caused by firecrackers

Article Inside Page


Showbiz News

jestoni alarcon and angela alarcon


Kahit open si Angela Alarcon sa amang si Jestoni tungkol sa kaniyang lovelife, mas istrikto pa rin ito kaysa sa kaniyang ina.

Aminado ang Sparkle star na si Angela Alarcon na madalas niyang naikukuwento sa kaniyang amang si Jestoni Alarcon ang tungkol sa kaniyang love life. Kaugnay nito, ayon sa young actres, sa sobrang strikto ng kaniyang ama, umaabot siya sa puntong nagba-background check sa mga manliligaw niya

Sa "Fast Talk" segment ng Fast Talk with Boy Abunda nitong Martes, May 14, nabanggit ni Angela na kung gaano kaistrikto ang kanyang ama, kabaligtara naman ito ng kanyang ina.

“My mom is pretty chill about it. Okay lang kay mommy lahat. I mean, happy siya basta happy ako pero si dad po talaga, talagang binabackground check po niya,” sabi ng aktres.

Paliwanag naman ni Jestoni, gusto lang naman masiguradong safe si Angela, na alam nila kung sino ang kasama at kung nasaan ito tuwing lumalabas. Gayunman, ayon sa Black Rider star, meron din mga manliligaw na dumadalaw sa kanilang bahay.

“Ang gusto ko lang naman, makilala ko. So, natutuwa ako 'pag nakikilala ko 'yung person. Kung ano man 'yung magiging development nila, nasa kaniya na 'yun,” sabi niya.

Pagpapatuloy ng aktor, “Tinitingnan ko rin kung okay naman. Sa tingin ko, okay naman 'yung bata, mabait naman. [Kung] sa tingin ko, mamahalin naman nang husto 'yung anak ko, di why not?”

Nang tanungin siya kung paano ang gagawin niya kapag hindi okay ang manliligaw ni Angela, ang sagot ni Jestoni, “'Pag hindi okay, pag-usapan namin 'yan sa likod.”

MAS KILALANIN PA SI ANGELA SA GALLERY NA ITO:

Ayon kay Jestoni, importante para sa kaniya ang family background ng mga manliligaw ni Angela.

“At the same time, e, kung okay naman 'yung work ng bata, at makita ko na okay naman 'yung intensyon sa kaniy," dagdag niya.

Para naman kay Angela, hindi niya agad pinapakilala ang kaniyang manliligaw sa bahay. Aniya, multiple dates muna ang kailangan para malaman kung “worth it na po ba ipakilala sa parents.”

“If genuinely I have a connection with the person, if alam ko naman po na 'yung intention niya sa 'kin is mahal niya po talaga ako, du'n na po talaga ready ko na siya ipakilala,” sabi niya.

Balikan ang ilang pang highlights sa panayam kina Jestoni at Angela ng Fast Talk With Boy Abunda: