
Dalagang dalaga na ang former Trudis Liit star na si Jillian Ward.
Ngayong araw, February 23, ipinagdiriwang ni Jillian ang kaniyang 18th birthday.
Sa Instagram Stories, mapapanood na sinalubong ng Sparkle star ang kaniyang kaarawan kasama ang ilang katrabaho at kaibigan niya sa showbiz, na naghanda pa ng sweet surprise para sa kaniya.
Kahit na nagtatrabaho ay hands on pa rin siya sa pag-asikaso ng ilang mga bagay na kailangan para sa kaniyang engrandeng debut.
Ang naturang event ay gaganapin sa darating na Sabado, February 25, kung saan ayon sa former child star ay mahigit 700 guests ang inaasahan niyang dadalo.
Isa sa mga sigurado nang dadalo ay ang kaniyang nanay-nanayan at Abot-Kamay Na Pangarap co-lead star na si Carmina Villarroel.
Sa exclusive interview ng GMANetwork.com kay Jillian kamakailan lang, masaya niyang ibinahagi na nakatanggap siya ng mamahaling advance birthday gift mula kay Carmina.
Sa Chika Minute report sa 24 Oras na ipinalabas kagabi, ibinahagi ni Jillian ang ilang detalye ng tungkol sa nalalapit niyang birthday party.
Ayon sa kaniya, mabusisi niyang pinili ang ilang mahahalagang bagay para sa gabi na pinakahihintay niya, tulad na lamang ng venue, shoes, at hanggang sa isusuot niyang mga gown.
Samantala, patuloy na subaybayan si Jillian bilang si Dra. Analyn Santos sa Abot-Kamay Na Pangarap.
Mapapanood ang seryeng kaniyang pinagbibidahan tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
Mapapanood din ang programa via Kapuso Stream.
Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito:
SILIPIN ANG BEACH PHOTOS NI JILLIAN WARD NA NAGPAPATUNAY NA ISA NA SIYANG DALAGA SA GALLERY SA IBABA: