
Kitang-kita ang saya sa mga mata ng child star na si Sienna Stevens nang personal na makita ang Kapuso actress na si Jillian Ward na gumaganap na Dra. Analyn Santos sa high-rating afternoon series na Abot-Kamay na Pangarap.
Eksklusibong nakunan ng 24 Oras ang pagkikita ni Sienna at ng kaniyang idol.
Sabi nito nang makita niya si Jillian, “Idol po kita, gusto ko,maging Daldalita.”
Sumang-ayon naman ang mestiza actress na sinabing, “Bakit hindi, 'di ba! Guys, puwede Daldalita. Pero makikipag-usap sa mga baboy, bibe dun [laughs].”
Na-realize tuloy ni Jillian nang ma-meet niya ang promising kiddie star na talagang dalaga na siya.
Paliwanag niya sa 'Chika Minute', “Parang na-realize ko talaga na dalaga [na] po talaga ako. Una sa lahat, baby pa siya pero kilala niya po ako, tapos alam po niya 'yung mga dati ko pong ginawa Trudis Liit and Daldalita.”
Dagdag pa ng Sparkle talent na gusto niya rin maka-work si Sienna in the future.
“Ngayon ko lang po narinig talaga from super mga baby po na actors na parang ginagawa nila akong role model. I would like to work with you one day.”
Nagbigay din ng payo si Ate Jillian sa kaniyang cute fan na si Sienna kung paano makikitungo sa mga makakatrabaho niya sa showbiz.
“Sa ngayon, hindi mo pa siya sobrang ma-appreciate kasi baby ka pa talaga. So, ngayon enjoy-in mo lang 'yan dahil darating 'yung oras na magdadalaga ka. Mas magkaka-insight ka sa ginagawa mo and always, always respect your co-workers.” ani Jillian.
Gumaganap si Sienna bilang anak ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes na si Lizzy sa primetime murder mystery drama na Royal Blood.
TINGNAN ANG AMAZING TRANSFORMATION NI JILLIAN WARD DITO: