
Nakasama ni Jillian Ward ang Filipino band na Magnus Haven noong February 25, 2023.
Sa engrandeng debut ni Jillian, inimbitahan niya ang naturang local band na malapit sa kaniyang puso.
Bago mag-perform, unang natunghayan ang Magnus Haven nang isa-isa silang umakyat sa stage para isayaw si Jillian.
Ang mga miyembro kasi ng banda na sina Sean Catalla, Rey Maestro, Rajih Mendoza, Louise Vaflor, at David Galang, ay parte rin ng 18 roses ng Sparkle star.
Sa kalagitnaan ng event, ipinamalas ng banda ang kani-kanilang mga talento sa musika.
Isa sa kanilang inawit at tinugtog sa mismong debut ni Jillian ay ang hit song nila na "Imahe," na nagdala ng cool vibes sa party ng aktres.
Matapos ang kanilang performance, inimbitahan nila si Jillian on stage para maki-jam sa kanila.
Ang Magnus Haven ay malapit kay Jillian dahil nakatrabaho na niya noon ang buong banda sa isang music video, kung saan ang aktres ang kanilang naging modelo.
Samantala, kasalukuyang napapanood si Jillian sa GMA inspirational-medical drama series na Abot-Kamay Na Pangarap.
Mapapanood ang seryeng kaniyang pinagbibidahan tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
Mapapanood din ang programa via Kapuso Stream.
Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito.
KILALANIN ANG ILANG CELEBRITIES NA DUMALO SA ENGRANDENG DEBUT NI JILLIAN WARD SA GALLERY SA IBABA: