GMA Logo Magnus Haven, Jillian Ward, and Zephanie
Courtesy: magnus_haven (IG), jillian (IG), and zephanie (IG)
Celebrity Life

Jillian Ward, nag-invite ng kilalang local artists at band sa kanyang debut

By EJ Chua
Published February 22, 2023 12:41 PM PHT

Around GMA

Around GMA

'Short-lived' La Niña to affect PH until early 2026 —PAGASA
4 hurt in Maguindanao del Sur explosion
A for A On Playlist

Article Inside Page


Showbiz News

Magnus Haven, Jillian Ward, and Zephanie


Kapuso talent na si Zephanie at banda na Magnus Haven, magpe-perform sa debut ni Jillian Ward? Alamin DITO:

Ilang tulog na lang at magaganap na ang engrandeng debut ng Abot-Kamay Na Pangarap star na si Jillian Ward.

Sa katatapos lang na blogcon para sa kaniyang upcoming party, binanggit ni Jillian na mahigit 700 guests ang inaasahan niyang darating sa kaniyang birthday party.

Kabilang na rito ang kaniyang Abot-Kamay Na Pangarap co-stars na sina Carmina Villarroel at Jeff Moses, Asia's Multimedia Star na si Alden Richards, mga kamag-anak, at iba pang kaibigan ng aktres sa showbiz.

Bukod dito, ibinahagi rin ng Sparkle star na hindi lang simpleng event ang dadaluhan ng kaniyang mga bisita kundi isang nakaka-enjoy na party daw ang kanilang matutunghayan.

Ayon kay Jillian, susubukan daw niyang kumanta o sumayaw sa gabing iyon ngunit ang sigurado raw siya ay ilang kahanga-hangang performances ang mapapanood ng kaniyang mga bisita na ihahandog ng mga napili niyang imbitahan na artists at banda.

Kabilang sa mga magpeperform sa kaniyang debut ay ang tinaguriang This Generation's Pop Princess at Kapuso talent na si Zephanie.

Inimbitahan din ni Jillian na mag-perform sa kaniyang birthday party ang Filipino band na Magnus Haven, na minsan na niyang nakasama sa isang music video.

Pagbabahagi ni Jillian, “Ita-try ko pong sumayaw, kakanta po ako kung makakakanta po ako sa araw na 'yun and may performers po, sina Zephanie, Magnus Haven, at iba pa.”

“Para kayong nasa party talaga, may performers, may mga rakista. Super enjoy lang po talaga siya para makapag-unwind po lahat ng makakakilala ko,” dagdag pa niya.

Samantala, kasalukuyang napapanood si Jillian bilang si Dra. Analyn Santos sa hit GMA inspirational-medical drama series na Abot-Kamay Na Pangarap.

Mapapanood ang naturang serye tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Mapapanood din ang programa via Kapuso Stream.

Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito.

SILIPIN ANG STUNNING PRE-DEBUT PHOTOS NI JILLIAN WARD SA GALLERY SA IBABA: