
May bagong clue si Jillian Ward tungkol sa mystery “big guy” na kasama niya sa viral TikTok video!
Matatandaan na kamakailan lang ay nag-post ng kaniyang entry ang Star of the New Gen para sa big buy trend, kung saan makikita ang aktres na sumasayaw sa harap ng camera. Sa likod niya, makikita ang isang lalaking na nagfe-flex ng kaniyang muscles nang hindi nakikita ang mukha.
Nagkaroon ng maraming haka-haka ang mga tao kung sino nga ba ang “big guy” na ito at maging ang kaniyang co-stars sa upcoming series na Never Say Die na sina Kim Ji Soo at Raheel Bhyria, napagkamalan.
Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Huwebes, itinanggi ng dalawang aktor na sila ang nasa likod ni Jillian sa naturang video nito.
Diretsahang tanong ni Boy, “Ikaw ba 'yun?”
Sagot ni Raheel, “Diretsang sagot, hindi!”
Ani Jisoo, “Hindi, hindi.”
BALIKAN ANG ILANG LITRATO NA NAGPAPATUNAY NG EXCEPTIONAL BEAUTY NI JILLIAN SA GALLERY NA ITO:
Kaya naman, sa pag-upo ni Jillian sa hot seat ng GMA Integrated News Interviews kasama ni Nelson Canlas para sa 24 Oras, hinamon ng batikang entertainment reporter na pangalanan ng aktres kung sino nga ba ang kaniyang mystery guy.
“Lilinawin lang natin, itong si big guy, boyfriend mo na ba 'to?” tanong ni Nelson.
Mabilis na sagot ni Jillian, “No.”
Nang tanungin naman siya kung nanliligaw na ba ito, isang matipid na ngiti lang ang sagot ng Star of the New Gen.
Nang udyukan uli siya ni Nelson kung nanliligaw na ba ito, sagot ni Jillian, “I think so.”
“Baka po kasi mahulaan n'yo po kung sino 'pag sinabi ko,” pagpapatuloy ng aktres.
Pagbabahagi pa ni Jillian, bukod kay “big guy,” may iba pang nagpapadala rin sa kaniya ng bulaklak. At pag-amin ng aktres, mas natatanggap na rin ng mga tao ngayon ang kaniyang pagdadalaga.
“So, medyo ayun, medyo mas nase-stress na po si mama,” pagbabahagi ng aktres.
Panoorin ang panayam kay Jillian dito: