GMA Logo Jillian Ward
Courtesy: jillianwxrd (TikTok)
Celebrity Life

Jillian Ward, patok sa fans ang kaniyang latest TikTok video

By EJ Chua
Published February 2, 2023 10:55 AM PHT

Around GMA

Around GMA

PBA: Fight continues for Andrei Caracut as Rain or Shine falls short despite explosive first-quarter run
Eastern Visayas’ Tajarros bags 1st gold in 2026 Palarong Pambansa
Farm to Table: (May 24, 2026) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Jillian Ward


Napanood n'yo na ba ang bagong TikTok video ng 'Abot-Kamay Na Pangarap' lead star na si Jillian Ward?

Patuloy na humahakot ng napakaraming views ang Abot-Kamay Na Pangarap videos sa TikTok, ngunit bukod dito bumubuhos din ang suporta ng netizens sa lead star ng serye na si Jillian Ward.

Napapanood si Jillian sa trending na GMA inspirational-medical drama series bilang ang genius at pinakabatang doktor sa bansa na si Dra. Analyn Santos.

Bukod sa kilala si Jillian bilang isang aktres, itinuturing din siya ng netizens na isang social media star.

Nito lamang February 1, isang bagong dance video ang in-upload niya sa kaniyang social media accounts.

Makikita si Jillian sa video habang sumasayaw suot ang kaniyang tie-dye t-shirt sa loob ng isang dressing room.

Sa TikTok, mayroon nang mahigit 133,000 views at halos 30,000 likes ang naturang video ng aktres.

Sa Facebook naman ay humakot na ang video ng mahigit 220,000 views at 27, 000 likes.

Matapos mapanood ang kaniyang latest video, nagbigay ng komento ang ilan sa kaniyang fans at followers:

Comments

Panoorin ang TikTok video ni Jillian DITO:

@jillianwxrd

Happy dayyy <3 ☀️

♬ its a wrap for you baby. - 𝖒𝖈𝖆𝖗𝖊𝖞𝖆𝖚𝖉𝖎𝖔𝖘

Samantala, kamakailan lang, ibinahagi ni Jillian ang mga ginagawa niyang paghahanda para sa kaniyang debut na gaganapin ngayong buwan ng Pebrero.

TINGNAN ANG BEACH PHOTOS NI JILLIAN WARD SA GALLERY SA IBABA: