GMA Logo Jillian Ward performances
Photo by: jillian IG
What's Hot

Jillian Ward, pinusuan ng netizens sa kanyang event performances

By Kristine Kang
Published May 8, 2026 1:39 PM PHT
Updated May 8, 2026 1:49 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DILG: 49 BFP officials face Ombudsman raps over alleged fire truck procurement irregularities
Woman to report to police incident with PWD in Cebu City
Shakira announces World Cup 2026 anthem 'Dai Dai'

Article Inside Page


Showbiz News

Jillian Ward performances


Puno ng energy at versatile talent ang handog ni Jillian Ward sa fans!

Isa sa mga young artist na hinahangaan ngayon ng netizens ay ang Star of the New Gen na si Jillian Ward!

Maliban sa kanyang pagbibigay-buhay sa iba't ibang iconic characters, kilala rin si Jillian sa kanyang versatile talent on stage.

Madalas hangaan ang Kapuso star dahil sa kanyang memorable performances sa telebisyon, kabilang na sa All-Out Sundays.

Ngunit hindi lang on-screen ang spotlight ng Kapuso star; lalo rin niyang napapasaya ang fans sa kanyang energetic live performances sa iba't ibang events.

Ngayong taon, patuloy ang papuri ng fans sa mga hindi malilimutang performances at bonding moments ni Jillian sa mga piyesta, concerts, at special mall shows.

Isa na rito ang kanyang pagdalo sa Pagibang Damara Festival 2026 sa San Jose City nitong April 25.

All-out ang performance ni Jillian sa pagsasayaw habang kinakanta ang ilan sa mga hit songs ngayong taon.

Hindi rin napigilang humanga ang maraming fans sa stable live vocals ng Kapuso star kahit full energy ang kanyang performances on stage. Para sa kanila, versatile si Jillian dahil kaya niyang kantahin ang iba't ibang genres—mula dance pop hanggang sa mga nakakakilig na harana.

Marami rin ang nag-enjoy sa panonood at pakikisaya kasama si Jillian. Siyempre, kapansin-pansin din umano ang natural glow at beauty ng Kapuso artist.

"Pretty talaga ng idol ko Jillian Ward," ani ng isang fan.

"Grabe! nakikita ko tlg si prime Britney Spears sa knya,"dagdag ng isa pang fan.

Samantala, naghahanda na si Jillian Ward para sa panibago niyang pasabog na performances sa kanyang upcoming concert ngayong July 31 sa New Frontier Theater.

Ibabahagi rin ni Jillian ang kanyang on-stage expertise bilang bagong judge ng The Clash Teens ngayong June 2026 sa GMA!

Silipin ang 21st birthday stunning portraits ni Jillian Ward sa gallery na ito: