GMA Logo Jillian Ward
Courtesy: niceprintphoto (IG) and jillian (IG)
What's Hot

Jillian Ward reveals birthday wishes and 'bonggang' gift for herself

By EJ Chua
Published February 16, 2023 5:42 PM PHT

Around GMA

Around GMA

12-hour brownout in areas of Iloilo City set on Dec. 7, 2025
How Innovation is Transforming Healthcare
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

Jillian Ward


Ano kaya ang gift ni Jillian Ward para sa kaniyang sarili sa nalalapit niyang 18th birthday? Alamin DITO:

Isang linggo na lang at ise-celebrate na ng former 'Trudis Liit' na si Jillian Ward ang kaniyang 18th birthday.

Sa katatapos lang na blogcon para sa debut ni Jillian, ini-reveal ng Sparkle star kung ano ang birthday gift niya para sa kaniyang sarili.

Pagbabahagi niya, “Ito po kasing debut itself, regalo ko po siya sa sarili ko at regalo sa akin ng parents ko… 13 years na po ako sa industry, so ang dami ko na pong nakilala, ang dami ko na pong nakasama. Pinaka-gift ko sa sarili ko is, makakapag-celebrate po ako na na-invite ko po lahat ng nakasama ko, lahat po ng sumuporta sa akin. Kasi sa akin po, pinakaimportante po 'yung friendship, hindi lang po 'yung mga materyal na bagay.”

Bukod sa kaniyang naging pahayag, ibinahagi rin niya kung anu-ano ang kaniyang birthday wishes.

Ayon kay Jillian, “Wish ko po, unang una po sa lahat, good health para sa akin at sa mahal ko sa buhay. Sa totoo lang po ngayon dahil lagi po akong napupuyat, lagi po akong may ginagawa, medyo humihina po 'yung immune system ko… Good health and more opportunities para mag-grow po ako bilang artista and bilang tao.”

“Bigyan niya po ako ng opportunities, ibibigay ko ang best ko…Tapos ibigay niya po kung ano 'yung deserve ko. Kung hindi ko po deserve, 'wag po niya ibigay sa akin,” dagdag pa niya.

Sa kabila ng pagiging hands on ni Jillian sa pag-asikaso para sa kaniyang nalalapit na birthday party, tuluy-tuloy pa rin siya sa pagte-taping para sa hit GMA series na Abot-Kamay Na Pangarap.

Sa isang panayam, ibinahagi ng teen actress na nasa mahigit 700 guests ang inaasahan niyang darating sa kaniyang engrandeng debut.

Nabanggit din niya na kabilang sa mga kumpirmadong dadalo sa event ay ang isa sa mga itinuturing niya kuya sa showbiz na si Alden Richards at ang kaniyang Abot-Kamay Na Pangarap co-lead star na si Carmina Villarroel.

Samantala, patuloy na subaybayan si Jillian bilang si Dra. Analyn Santos sa Abot-Kamay Na Pangarap.

Mapapanood ang seryeng kaniyang pinagbibidahan tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Mapapanood din ang programa via Kapuso Stream.

Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito:

SILIPIN ANG BEACH PHOTOS NI JILLIAN WARD SA GALLERY SA IBABA: