
Bibida ang seasoned star na si Jodi Sta. Maria sa upcoming film na pinamagatang Midnight Girls kasama sina Loisa Andalio, Jane Oineza, at Sanya Lopez.
Sa pagbisita ng batikang aktres sa programang Fast Talk with Boy Abunda ngayong Lunes (April 20), ikinuwento niya na ang naturang pelikula ay tungkol sa apat na babae na nakipagsapalaran sa Japan.
“Makikita mo rito 'yung kanilang buhay, 'yung kanilang istorya, 'yung sakripisyo na kailangan nilang gawin, 'yung pagbibihis nila ng iba't ibang pagkatao para lamang lumaban at makalaban,” pagbabahagi niya.
Ibinahagi rin ng celebrity mom ang naging experience nila ng kanyang co-stars nang sila'y nag-immersion sa isang bar sa Nagoya, Japan para sa kanilang gagampanang mga karakter.
“It is important for us, doon sa character namin na truly maintindihan 'yung lalim ng pinaghuhugutan, 'yung pinanggagalingan ng mga babae, 'yung mga istorya na ilalahad namin or 'yung mga pino-portray namin. So part doon 'yung immersion, Tito Boy. So kailangan naming pumunta sa isang omise. Hindi alam ng mga client, ng mga Hapon. Ang iniisip lang nila, ang pakilala sa amin ay kami mga bagong salta.
“So siyempre nandoon ako sa Japan bilang si Yuki, kilala nila ako bilang si Yuki. You just have to do whatever, just do whatever to make them happy. You just entertain. You sing, you dance, you make kuwento, basta kailangan maaliw sila sa'yo,” kuwento niya.
Bukod dito, tinanong ni Boy Abunda kung kumusta ang karanasan ni Jodi na makatrabaho si Sanya sa Midnight Girls at ibinahagi ng aktres ang kanyang appreciation sa huli.
Aniya, “I super love her. I really vocalize my appreciation sa babaeng 'to. Sabi ko nga, 'Alam mo, hindi ka lang magaling, napakamabuti mo pang tao.' Nakakatuwa.”
Mapapanood ang Midnight Girls sa mga sinehan simula May 13.
Related gallery: Sanya Lopez stuns in red suit at 'Midnight Girls' grand media launch