
Challenging pero masaya para sa celebrity couple na sina Joem Bascon at Meryll Soriano ang pagiging magulang sa kanilang tatlong taong gulang na anak na si Baby Gido. Gusto pa sana nila itong sundan, pero hindi na raw advisable na mag-anak pa sila ayon sa doktor.
Sa Fast Talk with Boy Abunda ngayong Huwebes, game na sumalang sa interview sina Joem at Meryll kung saan napag-usapan ang kanilang role as parents.
Ayon kay Meryll, bago pa rin para sa kaniya ang pagiging magulang kay Baby Gido, kahit pa napalaki niya na naman ang kaniyang panganay na anak na si Elijah Palanca.
“We are very challenged sa toddler phase. Ako Tito Boy, I'm already a parent coming from Eli. The difference lang for me is that I have a partner. Kasi, it's so different from being a single parent that you get to decide everything on your own, all by yourself. Ikaw lang mag-isa e,” ani Meryll.
Paglalahad ng aktres, hindi siya sanay na may partner sa pagpapalaki ng anak, ngayong katuwang niya na si Joem.
Aniya, “So, now it's fifty-fifty thing. So doon ako parang, 'Pa'no ko ba 'to gagawin?' I cannot say I know better because this is a different child, different personality, different everything.
“But I'm very happy. I'm a very happy parent to be able to share also something very special with Joem because I love Joem.”
Ayon naman kay Joem, mas nakatutok na siya sa pag-aalaga kay Meryll, dahil sa sakripisyo nito para sa kanilang anak.
“Parang ang mabibigay ko na lang is to take good care of her, bilhin kung ano man ang gusto niya, ilabas siya kung saan niya gustong pumunta kasi 'yun lang 'yung kaya kong ibigay for her kasi siya nabigay niya na 'yung buong pagkatao niya doon sa baby namin e,” ani Joem.
Mula rito, tinanong naman ni Boy Abunda ang dalawa, “Would you have another baby?”
Sagot naman ni Meryll, “We want to pero hindi na advisable sabi ng doktor because I am 41. Sabi ng OB namin, parang if we wanted [dapat] magkasunod as in the year after parang hindi pa nagwa-one-year old si Gido dapat sundan na.
“Parang it was so difficult because it was his first time and we want to you know we want to really savor and enjoy. It's so hard to prioritize getting pregnant again when we were just enjoying the blessing,” dagdag pa ni Meryll.
“At saka Tito Boy takot kami nung time na 'yun kasi it was the pandemic. Sobrang takot namin. Even with Gido no'ng time na [pinanganak] siya, takot na takot kaming lahat,” sabi naman ni Joem.
Noong 2020 nang unang mapabalitang nagkabalikan sina Joem Bascon at Meryll Soriano matapos silang maghilaway noong 2009.
January 2021 naman nang ipanganak ni Meryll ang anak nila ni Joem na si Gideon o Baby Gido.
Samantala, napapanood naman ngayon si Joem sa GMA Prime series na Asawa Ng Asawa Ko.
RELATED GALLERY: LOOK: The cutest photos Meryll Soriano and Joem Bascon's son Baby Gido