
Matapos ang ilang taon, tila may nilulutong proyekto ang dating magkasintahan na sina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna.
Sa Instagram, ibinahagi ni GMA Network Senior Vice President Annette Gozon-Valdes ang ilang litrato kasama sina John Lloyd, Ellen, at Sparkle Senior Talent Manager na si Tracy Garcia.
Caption ni Atty. Gozon sa kaniyang post, “Ending the work week with exciting conversations.”
Sa ngayon ay wala pang ibang detalye kung tungkol saan ang pagkikita nila.
Samantala, ni-repost naman ni Ellen ang litrato nila ni John Lloyd kasama ang GMA executives sa kaniyang Instagram Stories, at tinawag na “exciting” ang kanilang pagkikita.
BALIKAN ANG BEACH GETAWAY NINA JOHN LLOYD, ISABEL, AT ELLEN SA GALLERY NA ITO:
Matatandaan na nitong March ay pinasalamatan ni Ellen si John Lloyd at partner nitong si Isabel Santos matapos siyang isama sa isang summer getaway sa Palawan kasama ang kanilang anak na si Elias.
Sa Instagram, ibinahagi niya ang ilang litrato ng kanilang unforgettable trip.
Caption niya sa post, “The vacation we all needed. Cleansed by the sea and blood moon, and far away from all the noise of the world.
“Thank you, John Lloyd Cruz and Isabel Santos for inviting us on this 5-day getaway in paradise with only one day's notice! To many more memories like this,” pagtatapos ng aktres.
Maayos ang pakikitungo ng ex-couple sa isa't isa lalo na at co-parenting sila sa kanilang anak na si Elias.