GMA Logo john prats heart evangelista caprice cayetano
Source: johnprats/IG
What's Hot

John Prats, pinuri ang husay ni Caprice Cayetano sa 'Teka Lang' MV

By Kristian Eric Javier
Published June 8, 2026 10:06 AM PHT
Updated June 8, 2026 10:15 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Aftershocks felt after magnitude 7.8 Mindnao earthquake
Tsunami warning issued after M7.8 earthquake strikes off Sarangani
Home safety tip for Filipino families: Keep emergency numbers within reach

Article Inside Page


Showbiz News

john prats heart evangelista caprice cayetano


Ani John Prats kay Caprice Cayetano: "Sobrang husay mo at napakabait pa."

Grateful si actor-director John Prats na makatrabaho ang Kapuso star na si Caprice Cayetano at aktor na si Jairo Nolasco sa music video ng awitin ni TG Monterde na “Teka Lang.”

Bumida kasi si John at dating ka-loveteam nito na si Heart Evangelista sa naturang music video, habang ginampanan naman nina Caprice at Jairo ang younger versions nila.

Sa Instagram, nag-post si John ng ilang behind-the-scenes ng music video, kung saan nagsilbi rin siyang direktor.

Sulat ni John sa kaniyang post, “Grateful to have worked with you, @capcaprice ! Sobrang husay mo at napakabait pa. And of course, ikaw din Jairo Nolasco, grabe kayong dalawa!”

Pagpapatuloy pa ni John, magaling at madaling katrabaho ang dalawang young stars sa naturang music video. Sa katunayan, hindi umano nahirapan ang actor-director sa kanila.

“Salamat for making everything smooth and enjoyable,” sabi ni John.

A post shared by John Paulo Q. Prats (@johnprats)

KILALANIN ANG KAPUSO CELEBRITIES NA BUMIDA SA MUSIC VIDEOS SA GALLERY NA ITO:

Sa comments section, marami ang nag-congratulate kay John at sinabing napaka-nostalgic ng pakiramdam noong mapanood nila ang music video. Ang ilan, pinansin din kung gaano magkahawig sina Caprice at Heart, lalo na sa unang litrato na pinost ng aktor.

“Oh wow, I thought it was Heart,” sabi ng isang netizen.

“Kamukha ni Heart si Caprice talaga nung kabataan,” komento naman ng isa pa.

Ang iba naman, ipinahayag kung gaano nila na-miss ang makita sina John at Heart, at hiniling na sana ay gumawa muli ng proyekto ang dating mag-loveteam.

John Prats Heart Evangelista

Source: johnprats/IG

Samantala, sa hiwalay na post, pinasalamatan din ni John si Heart sa pagpayag nitong maging bahagi ng proyekto. Pag-amin pa ng aktor, hindi niya inakalang muli pa silang mapapanood sa screen magkasama matapos ang maraming taon.

“Hanggang ngayon, parang surreal pa rin isipin. Salamat sa tiwala at sa pagpayag na maging part ng project na ito. Ang daming memories ang bumalik, pero mas masaya na nakagawa tayo ng bago para sa mga taong sumubaybay sa atin noon,” sabi ni John.

Tinawag din niyang full-circle moment ang naturang project para sa kanila.

A post shared by John Paulo Q. Prats (@johnprats)