What's on TV

John Vic De Guzman, ibinahagi ang kaniyang buhay bilang isang national athlete

By Maine Aquino
Published November 9, 2021 2:52 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Paano naging umano'y spy ng China ang 3 Pilipinong nag-apply ng trabaho online? | GMA Integrated Newsfeed
LPG demand rises in Pangasinan amid expected price hike
Catriona Gray graces the opening of this Puerto Princesa hotel

Article Inside Page


Showbiz News

John Vic De Guzman


Ipinasilip ng Kapuso star na si John Vic De Guzman kung paano sila nagti-training sa Philippine Men's National Volleyball Team.

Sa A Day In The Life, ay ibinida ng Philippine Men's National Volleyball Team Captain na si John Vic De Guzman ang kaniyang buhay bilang isang atleta.

Sa episode na ito, ipinakita ni John Vic ang kaniyang pagti-training bilang isang volleyball player.

Photo source: YouTube: GMA Artist Center
Ipinaalam din ni John Vic ang bonding na ginagawa ng kanilang team.

Saad ni John Vic, "Alam niyo ba guys na everytime na kumakain kami ng lunch, sabay-sabay kami. Walang puwedeng mauna, walang puwedeng ma-late. Kailangan sabay-sabay kaming kumakain."

Paliwanag ng Kapuso star at national athlete, ito ay ang paraan para gumanda ang kanilang camaraderie.

"Well, isa 'yun sa mga way para ma-build up ang chemistry ng team ninyo. So sa lahat ng ginagawa namin kino-consider namin na one for all, all for one kami," paliwanag niya.

Isa namang pangtanggal stress ng kanilang team ay paglalaro ng isang mobile app game. Bukod dito, ipinakita rin ni John Vic ang kanilang wacky side kapag hindi sila abala sa training.

Panoorin ang vlog takeover ni John Vic sa video.

RELATED CONTENT:

John Vic De Guzman, nagpasalamat sa PinakaPASADOng Huwarang Kabataan award