GMA Logo john vic de guzman
What's Hot

John Vic De Guzman, nagpasalamat sa PinakaPASADOng Huwarang Kabataan award

By Maine Aquino
Published October 11, 2021 4:12 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Momo resigns as member of 2026 nat'l budget bicam
Duterte calls plunder, graft raps a 'fishing expedition'
Mall of Asia opens football park to boost the sport's popularity in PH

Article Inside Page


Showbiz News

john vic de guzman


Si John Vic De Guzman ay tumanggap ng PinakaPASADOng Huwarang Kabataan award sa Gawad Pasado: Gabi ng Parangal.

Ang Kapuso star at national athlete na si John Vic De Guzman ay pinarangalan ng PinakaPASADOng Huwarang Kabataan award sa 23rd Gawad Pasado: Gabi ng Parangal ng Mapua University school of Media Studies.

Ayon kay ni John Vic, ang parangal na ito ay katuparan ng kaniyang pangarap.

"Isa po ako sa milyun-milyong kabataan na minsang nangarap na mapanood ang sarili sa harap ng TV o sa mga pelikula. Pangarap na sa una alam kong impossible dahil likas akong mahiyain pagdating sa harap ng camera," sabi ni John Vic sa sa mensaheng ipinadala niya sa GMANetwork.com.

Dagdag pa ng Kapuso star, "Ako po ay nabigyan ng pagkakataon ng ilang beses na gumanap sa mga pelikulang Seklusyon sa Metro Manila Film Festival, sa Wild and Free, Class of 2018, at Pansamantagal, at sa mga palabas po ng GMA 7."

Kasunod nito, ibinahagi ni John Vic ang kaniyang pasasalamat sa mga taong naging gabay niya sa pagtupad ng kaniyang pangarap.

"Utang ko po 'yan sa mga taong nagpalakas ng aking loob para umarte. Sa aking mga managers sa Virtual Playground sa GMA Artist Center. Sa Reality Entertainment, Regal Films, TRex Entertainment, at Horseshoe Productions. Direk Erik Matti, Direk Bebs, Direk Connie, and Direk Joven, salamat po sa paggabay at sa pagtitiwala."

John Vic De Guzman

Photo source: @johnvicdeguzman

Si John Vic ay abala ngayon bilang team captain ng national men's volleyball team para sa 2021 Asian Club Volleyball Championship sa Thailand.

Para sa aktor, ang nakuha niyang parangal ay magiging paalala sa kaniyang nasimulang career sa showbiz at ang plano niyang pagbabalik rito.

"Pansamantala ko man pong iniiwan ang pag-arte para mag-focus sa National Team, ang parangal po na ito ang magsisilbing paalala na mayroon akong babalikan at sa pagbabalik na 'yon, lalo ko pong pagbubutihan para mas maging inspirasyon sa mga kabataan na wag matakot sumubok lalo na't para sa iyong mga munting pangarap.

Sa huli ay nagpasalamat si John Vic sa PinakaPASADOng Huwarang Kabataan award sa 23rd Gawad Pasado: Gabi ng Parangal.

"Maraming Salamat po GAWAD PASADO!"

Congratulations, John Vic!

Samantala, kilalanin ang Kapuso athlete na si John Vic sa gallery na ito: