
Nabiktima ang The Clash Season 1 graduate na si Jong Madaliday ng fake news.
Ipinakalat ng Facebook page na Bakkler kahapon, July 7, na patay na si Jong, isang chismis na agad na pinabulaanan naman ng singer/vlogger.
Sa ngayon, hindi na available ang nasabing page. Maaaring marami ang nag-report dito dahil sa mga maling impormasyon tungkol kay Jong. Si Jong mismo ang humiling sa kanyang fans at followers na i-report ang Bakkler.
Natawa lamang si Jong sa kumalat na maling balita at pinatunayan na siya ay buhay na buhay sa pamamagitan ng pag-post ng video sa Facebook.
Aniya, "Tawang-tawa ko. Gag*, pinatay ako. Yo guys, I'm still alive. 'Di ko alam kung bakit pinatay niya ako agad. 'Di nga ko nagpaparamdam sa social media e. Minsan nga lang ako nag-a-upload e. Kahit picture, 'di nga ako nag-a-upload. Pagbukas ko ng social media, sinabi patay na raw ako. Ang lala."
Bukod pa rito, kumalat din sa social media ang umano'y pagtanggi ni Jong na makatambal ang bagong Kapusong si Bea Alonzo.
Nagpost pa ng artcard ang Bakkler na may quote umano mula Jong patungkol sa pagiging choosy niya sa pagpili ng leading lady, bagay na gawa-gawa lamang. Never pang na-interview si Jong tungkol kay Bea at wala ring post ang The Clash graduate tungkol dito.
Ayon sa artcard, "I heard the rumors na gusto raw ako makatambal ni Bea Alonzo, panawagan ko lang na itigil na po 'yung speculation na ako 'yung magiging leading man niya dahil una sa lahat, ayokong pinapares sa kung kani-kanino lang, mawalang galang na po Miss Bea pero pihikan talaga ako."
Humagalpak lang sa tawa si Jong nang in-address niya ang isyu na ito sa parehong Facebook video at halos walang nasabi.
Paglilinaw ni Jong, hindi siya naging aktibo sa social media kamakailan dahil abala siya sa pinapagawang bahay sa kanyang hometown sa North Cotabato kaya nagulat siya sa mga lumabas na mga malisyosong isyu tungkol sa kanya. Tatlong linggo na ang nakalilipas nang mag-upload ng video sa YouTube si Jong na nagkaroon ng malaking following dahil sa kanyang panghaharana sa online chat website na Omegle.
Paliwanag niya, "Una sa lahat, sasabihin ko buhay pa ko. Bakit n'yo ko pinatay?
"Yo, nanahimik ako. Gusto ko lang chill, gusto lang chill dito sa bahay kasi malapit na 'kong bumalik ng Manila. And yo, 'di ko alam kung ano 'yung ginawa kong masama.
"Sobrang tahimik ako sa social media, ni hindi nga ako nakakapag-upload ng vlog, basta wala na kong ginagawa.
"Gusto ko lang mag-relax, last week nga sinisipon ako."
Pag-uulit pa ni Jong, "Ayun guys, gusto ko lang malaman n'yo na I'm still alive.
"Mag-ingat kayo parati, 'di ako alam ang sasabihin. Speechless ako, man, I'm still alive, alright?"
Narito ang iba pang celebrities na biktima ng death hoax: