
Ngayong 2023, mapapanood na sa GMA Afternoon Prime ang suspense drama series na The Missing Husband.
Isa sa mga aktor na mapapanood sa serye ay si Joross Gamboa, kung saan makikilala siya bilang si Brendan, ang kaibigan ng karakter ni Rocco Nacino na si Anton.
Sa exclusive interview ng GMANetwork.com kay Joross, inilarawan niya ang istorya ng programang kaniyang kinabibilangan.
Ayon sa 38-year-old actor, “Marami itong twists, maraming turns, parang roller coaster 'to.”
Ang karakter ni Joross na si Brendan ay maisasalarawan na charming ngunit may pagkamayabang.
Samantala, bukod kina Joross at Rocco, mapapanood din sa serye sina Yasmien Kurdi, Jak Roberto, Sophie Albert, at marami pang iba.
Ang pangmalakasang serye na ito ay idinidirehe ni Direk Mark Reyes.
Abangan kung ano ang magiging role ni Joross sa buhay ni Anton (Rocco Nacino) sa The Missing Husband.
KILALANIN ANG IBA PANG KABILANG SA CAST NG UPCOMING AFTERNOON SERIES NA THE MISSING HUSBAND SA GALLERY SA IBABA: