
Thankful ang multi-awarded P-pop solo artist at SB19 member na si Josh Cullen sa pagkilalang natanggap sa 10th Wish Music Awards, na ginanap noong January 19 sa Araneta Coliseum sa Quezon City.
Naiuwi ni Josh ang Wish Hip-hop Song of the Year award para sa kanta niyang "GET RIGHT."
Sa pagtanggap ng kanyang award, hindi makapaniwala si Josh Cullen na siya ang nanalo dahil, aniya, iniidolo niya ang kapwa nominees sa nasabing category.
"Sobrang ise-cherish ko po ito. This is not just an ward for me but this is a checkpoint para sa mga future plans at sa mga future achievements ng OPM at ng hip-hop.
Sa kanyang Instagram post, nagpasalamat si Josh Cullen para sa natanggap na award, maging sa suporta ng SB19 at kanilang fans, ang A'TIN.
"Maraming salamat, Wish Music Awards, sa pagkilala. Patuloy akong gagawa ng musika na may layunin, para sa ating lahat, para sa kultura, at para sa mga pangarap na patuloy nating inaabot," sulat niya.
"Hinding-hindi ko rin makakalimutan ang BBQs and A'TIN syempre! Lalong-lalo na ang mga kagrupo kong pinapayagan tayong tumawid at mag-sideline! Tuloy ang kwento!"
Samantala, magkakaroon ng TV special ang "Lost & Found" Album Concert ni Josh Cullen, na mapapanood na ngayong January 26, 2:00 p.m. sa GMA.
BALIKAN ANG MUSIC VIDEO LAUNCH NG 'GET RIGHT' SA GALLERY NA ITO: