Bago pa man sila naging kapwa Kapuso stars, nagkakilala na pala sina Hahamakin Ang Lahat co-stars Joyce Ching at Renz Valerio.
"I've known ate Joyce for a very long time—since we were eight or seven years old, sa VTR ng commercials. Tagal na! Batang bata pa kami," kuwento ni Renz sa isang eksklusibong panayam ng GMANetwork.com.
READ: Renz Valerio, inspirasyon ang acting award ni Kristoffer Martin
Matagal man silang magkakilala, unang beses pa lang nilang magkakatrabaho sa isang serye. Ayon kay Renz, mas lumalim ang pagkakakilala niya kay Joyce at sa iba pa niyang co-stars sa set ng Hahamakin Ang Lahat.
"First time ko din makita 'yung funny side [niya]. Ganun pala siya makipag-usap—in a makulit way. Ngayon medyo deeper na 'yung communication namin," bahagi nito.
Samantala, isang blessing para kay Renz ang makatrabaho ang ilang beteranong mga aktor na kasama sa serye.
"Para sa akin, big thing 'yun kasi one of the icons na of Philippine showbiz si Ms. Snooky (Serna). Ngayon, kasama ko na, makaka-work ko na siya. It's a great honor!" aniya.
WATCH: Relationship advice mula sa cast ng 'Hahamakin Ang Lahat'
Bukod sa pagiging isang karangalan, isang challenge din daw ito.
"It's a huge honor na makasama ko siya talaga and [I have to say], pressure! Siguro lahat pressured [and] challenged talaga to show this generation's actors ay may ibubuga din. We can do it din," dagdag niya.
Huwag kaligtaang panoorin ang Hahamakin Ang Lahat, Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos Oh, My Mama! sa GMA Afternoon Prime.
MORE ON 'HAHAMAKIN ANG LAHAT':
WATCH: Kristoffer Martin and Joyce Ching take the couple quiz with a twist
WATCH: Isang tongue twister para sa cast ng 'Hahamakin Ang Lahat'