GMA Logo Juancho Trivino
Celebrity Life

Juancho Trivino, proud na nakapag-martsa sa kanyang college graduation

By Marah Ruiz
Published November 5, 2022 2:53 PM PHT
Updated November 5, 2022 3:15 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Robots dance, clean, and rescue toy cats at expo in Japan
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Juancho Trivino


Nag-martsa si Juancho Trivino para sa kanyang college graduation matapos ang isang virtual ceremony last year.

Masaya at proud si Kapuso actor Juancho Trivino na dumalo sa in-person college graduation ceremony ng kanyang paaralan.

Matatandaang January 2021 ibinahagi ni Juancho na nakatapos na siya ng kursong Bachelor of Science in Entrepreneurship mula sa De La Salle University.

Pero dahil sa pandemiya, virtual lang ang naging graduation ceremony niya.

Ngayong nagbawas na ng restrictions, isinagawa na ng kanyang unibersidad ang in-person commencement exercises nito sa Philippine International Convention Center.

Hindi naman pinalampas ni Juancho na mag-martsa para para ipagdiwang at alalahanin ang kanyang pagtatapos.

"How it started and how it ended. To God be the glory 👨‍🎓

"Thanks Mom and Dad again, (even if this is my second graduation, first na face to face) for helping me reach this point," sulat niya sa kanyang Instagram post kung saan nagbahagi siya ng selfie habang nakasuot ng toga.

Kalakip nito ang isang throwback photo noong nagsisimula pa lang siya sa kolehiyo.

A post shared by Juancho Triviño (@juanchotrivino)

Taong 2009 nang magsimula sa kolehiyo si Juancho. Pero aminado siyang napabayaan niya ang pag-aaral nang pumasok siya sa showbiz. Dahil dito, nagdesisyon siyang ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral at nag-enrol sa DLSU noong 2018.

Naging mahirap daw para kay Juancho na pagsabayin ang pagtatrabaho at pag-aaral pero pilit daw niyang pinagpursigihan ito.

Kasalukuyang napapanood si Juancho bilang Padre Salvi sa hit historical portal fantasy series na Maria Clara at Ibarra.

Tutukan ang Maria Clara at Ibarra, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad.

Naka-livestream din ito nang sabay sa GMANetwork.com/KapusoStream.

Mapanood naman ng buo at libre ang episodes ng Maria Clara at Ibarra sa GMANetwork.com/FullEpisodes.