
Daan-daang overseas Filipino workers (OFW) na naman ang pinasaya ng talento ng Kapuso at Sparkle GMA Artist Center matapos lumipad ng Asia's Limitless Star na si Julie Anne San Jose sa Taiwan.
Naki-join si The Clash Master Julie Anne sa kaniyang kapwa Pinoy sa Taiwan para sa 126th Philippine Independence Day and Migrant Workers Day at naghandog pa ng ilang mga kanta na certified favorites ng mga Pilipino.
Ilan lamang sa mga kinanta niya ay ang crowd-favorite at '70s hit song na “Dancing Queen” ng Swedish pop supergoup na ABBA.
Pinakitaan niya rin ang mga OFW ng kaniyang skills sa ballad nang kantahin naman niya ang “Kung Kailangan Mo Ako” ng beteranong singer-songwriter na si Rey Valera.
Umani naman ng papuri si Julie Anne mula sa mga fans na natuwa sa kaniyang patuloy na pagiging Asia's Limitless Star matapos maghatid ng saya at touch of home sa mga OFW sa Taiwan nitong nagdaang Araw ng Kalayaan at Migrant Workers Day.
Bukod kay Julie Anne ay ilang Kapuso stars din ang nakiisa sa nakaraang Independence Day, kabilang na ang cast ng upcoming GMA drama war series na Pulang Araw na sina Barbie Forteza, Sanya Lopez, David Licauco, at Alden Richards kasama si Dennis Trillo.
Samantala, patuloy namang mapapanood si Julie Anne San Jose sa Sunday variety show na All-Out Sundays at upcoming reality singing competition na The Clash.
Pinaghahandaan na rin ni Julie Anne ang kaniyang upcoming concert kasama ang SB19 vocalist na si Stell na JulieXStell: Ang Ating Tinig ngayong July 27-28, 2024, sa New Frontier Theater.
RELATED GALLERY: Julie Anne San Jose and SB19's Stell gear up for concert