GMA Logo Julie Anne San Jose
Photo by: Dave Graciadas
What's Hot

Julie Anne San Jose, posibleng pasukin ang teatro?

By Kristine Kang
Published November 29, 2025 1:30 PM PHT

Around GMA

Around GMA

14-anyos na babae, patay nang masagasaan ng modern jeep na minamaneho ng nakaidlip na driver umano
La Union wins Miss Universe Philippines 2026 crown
M1ss Jade So, Angel, and Popstar Bench to headline Australia drag shows

Article Inside Page


Showbiz News

Julie Anne San Jose


Labis din ang excitement ni Julie Anne San Jose sa kaniyang comeback single!

Officially back sa singing stage ang Asia's Limitless Star na si Julie Anne San Jose kasama ang kaniyang bagong single na “Simula”.

Hindi lamang powerhouse vocals at husay sa pagsayaw ang ipinamalas ng Kapuso artist sa kaniyang comeback, kundi pati na rin ang kaniyang talento sa paglikha ng musika.

Espesyal ang kaniyang pagbabalik dahil ito ang kaniyang unang self-produced release. Mula sa pagsulat ng lyrics hanggang sa pagbuo ng melody, hands-on si Julie Anne sa paggawa ng kaniyang single.

Sa kaniyang panayam sa 24 Oras, ibinahagi ng Kapuso star ang karanasan niya sa paglikha ng “Simula”.

Kuwento ni Julie Anne, noong panahon pa ng pandemya niya ito sinimulang isulat at binuo ang single sa tulong ng mga mahuhusay na producers at artists.

"Right timing lang talaga ang kailangan. 'Yung process parang talagang na-enjoy ko talaga siya. like 'yung pagsulat ng melody, lyrics, talking to the right people who can arrange 'yung elements for me," pahayag niya.

Ngayong Christmas season, isa sa mga hiling ni Julie Anne ay ang magkaroon pa ng mas maraming inspirasyon sa pagsusulat ng kanta.

"It comes in waves.Parang minsan darating na lang siya sa isang odd timing. Kunwari naliligo ako, may naisip akong tono [at] lyrics, talagang nire-record ko siya or sinusulat ko siya agad," aniya. "Therapeutic siya para sa akin. I just love journaling and writing."

Pangarap din niyang magkaroon ng sarili niyang recording studio. Ngunit may isa pa siyang wish na hindi alam ng marami, ang makasali sa isang theater play o musical.

"Fun fact, I got a callback that time noong Miss Saigon . I think same time 'yun noong ginawa ni Ate Rachelle Ann (Go) 'yung Miss Saigon. Pero during the audition day, as in sobrang nagkasakit talaga ako. If ever I given the chance of course I would love too," sabi niya.

Sa ngayon, naka-focus si Julie Anne sa kaniyang singing comeback. Patuloy ding tinatangkilik ng fans ang “Simula” dance challenge online, na sinabayan na rin ng ilang Kapuso stars.

Kabilang dito sina Rayver at Rodjun Cruz, Miguel Tanfelix, Ysabel Ortega, at marami pang iba.

Si Julie Anne rin ang kumanta ng bagong OST na “Bagong Tadhana” para sa GMA superseryeng Encantadia Chronicles: Sang'gre.

Kilalanin pa si Julie Anne San Jose sa gallery na ito: