
Puno ng blessings ang unang buwan ng 2023 para sa Kapuso stars at real-life couple na sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz dahil bukod sa pagsisimula ng bagong season ng kanilang programa na The Clash ay wag rin sila at ang mismong programa sa 35th PMPC Star Awards for Television.
Sa nasabing parangal nitong Sabado, January 28, kinilala ang singing competition na The Clash bilang Best Talent Search Program habang tinanghal naman bilang Best Talent Search Program Host sina Julie Anne at Rayver.
Ang isa sa judges ng The Clash na si Lani Misalucha ang tumanggap ng award para sa programa at para sa dalawang hosts.
Bukod sa naturang reality singing competition, nakuha rin mismo ng GMA Network ang top award at titulo bilang Best TV Station habang wagi rin ang marami pang programa ng network sa iba't ibang categories.
Kabilang sa mga nagwaging programa ng GMA ay ang All-Out Sundays, 24 Oras, Kapuso Mo, Jessica Soho, Unang Hirit, at marami pang iba. Para sa buong listahan ng Kapuso winners, bisitahin ITO.
Samantala, mapapanood ang The Clash 2023 tuwing Linggo, 7:50 p.m. bago ang KMJS sa GMA. Mapapanood din ito via livestream sa YouTube channel at Facebook page ng The Clash at sa Facebook page of GMA Network.
Para sa iba pang updates tungkol sa The Clash, bumista sa GMANetwork.com/TheClash at sa official social media pages ng programa.
KILALANIN ANG TOP 30 CLASHERS NA MAGLALABAN-LABAN SA THE CLASH 2023: