
Kamakailan lamang nang aminin ni Bolera actor Rayver Cruz na nililigawan na niya si Asia's Limitless Star Julie Anne San Jose.
Ginawa ng aktor ang pag-amin sa interview sa podcast na Updated with Nelson Canlas kung saan nakasama rin niya si Julie Anne.
Sa interview, ikinuwento ng aktor na isa si Julie Anne sa pinaka naging ka-close niya nang magbalik sa GMA at naging mag-best friend. Mas nakilala raw niya ang aktres nang imbitahan siya nitong mag-guest sa virtual concert na "Limitless: A Musical Trilogy" kung saan nakasama niya si Julie Anne ng apat na araw sa Siquijor.
Photo by: myjaps (IG)
Matapos ang pag-amin ni Rayver, sinabi ni Julie Anne na "totoong" nililigawan na siya ng aktor. Nagpaalam na rin daw ang aktor sa kanyang mga magulang sa nais na panliligaw sa kanya.
At ito raw ang "pinaka-sweet" na ginawa para sa kanya ng aktor na talaga namang na-appreciate din niya.
"When he asked permission from my parents na ligawan ako," sabi ni Julie Anne. "'Yun po talaga kasi wala pa pong, ewan ko wala pa kasing gumagawa no'n ever e."
Pakinggan ang buong interview nina Rayver Cruz at Julie Anne San Jose sa Updated with Nelson Canlas:
TINGNAN ANG KILIG MOMENTS NINA RAYVER CRUZ AT JULIE ANNE SAN JOSE DITO: