GMA Logo Julie Anne San Jose, Ysabel Ortega
What's on TV

Julie Anne San Jose, Ysabel Ortega, handa bang mag-propose kina Rayver Cruz at Miguel Tanfelix?

By Kristian Eric Javier
Published March 12, 2025 9:50 AM PHT

Around GMA

Around GMA

2 persons hit by stray bullets in Iloilo, Bacolod
6 PDLs in Negros Occ released on Christmas Eve
A cake for pet dogs? Chef RV shares new recipe

Article Inside Page


Showbiz News

Julie Anne San Jose, Ysabel Ortega


Alamin kung handa bang mag-propose sa kani-kanilang boyfriends sina Julie Anne San Jose at Ysabel Ortega.

Bilang strong at empowered women, handa ba ang Kapuso stars na sina Julie Anne San Jose at Ysabel Ortega na mag-propose ng kasal sa kanilang boyfriends na sina Rayver Cruz at Miguel Tanfelix?

Tinanong iyan ni King of Talk Boy Abunda sa pagbisita nina Julie at Ysabel sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Martes, March 11. Sabay na huminga muna ng malalim ang dalawang aktres, bago sumagot.

“It's something that I haven't thought of, Tito Boy. Parang hindi ko pa siya--wala pa siya sa headspace ko,” sabi ni Julie.

Samantala, firm naman si Ysabel na hindi siya magpo-propose ng kasal, at sinabing isa siyang hopeless romantic.

Dagdag ni Julie, “Same answer.”

“I grew up talaga na, you know, pinalaki ako ng mama ko na traditional talaga. 'Yung kailangan aakyat ng ligaw 'yung lalaki, kailangan mag-e-effort din 'yung lalaki to also show din how much he loves you. I think that's one of the ways din,” sabi ni Ysabel.

Dagdag pa ng young actress ay hindi ito sumagi sa isip niya kahit kailan.

Sinang-ayunan din ni Julie ang sinabi ni Boy na hindi siya papayagan ni Rayver na mag-propose dito.

BALIKAN ANG DOUBLE DATE NINA RAYVER AT JULIE KASAMA SINA MIGUEL AT YSABEL SA TOKYO DISNEYLAND SA GALLERY NA ITO:

Taong 2022 nang kumpirmahin nina Rayver at Julie ang kanilang relationship, matapos nilang magpalitan ng “I love you” sa JulieVerse concert ng huli.

Samantala, noong 2023 naman nang aminin nina Ysabel at Miguel na exclusively dating na sila.

Bibida sina Julie at Ysabel, kasama sina Gabbi Garcia at Mikee Quintos, sa murder-mystery drama na Slay na napapanood na ngayon sa online streaming service na VIU. Mapapanood naman ito sa GMA Prime simula March 24.