GMA Logo Kakabakaba Adventures Family Feud
What's on TV

'Kakabakaba Adventures,' inialay sa pamilya ng aktor na si Andrew Schimmer ang pagkapanalo sa 'Family Feud'

By Jimboy Napoles
Published January 20, 2023 9:40 AM PHT

Around GMA

Around GMA

NBI searches Cabral's Baguio hotel room
Sarah Discaya, 8 others detained at jail in Mactan, Lapu-Lapu City
Gabbi Garcia reveals PCOS diagnosis, champions body positivity

Article Inside Page


Showbiz News

Kakabakaba Adventures Family Feud


Dingdong Dantes sa pagkapanalo ng 'Kakabakaba Adventures': May dahilan kung bakit kayo nanalo ngayon. Read more:

Magkahalong emosyon ang naramdaman ng team Kakabakaba Adventures nang maipanalo nila ang Php200,000 jackpot prize sa kanilang paglalaro sa Family Feud sa episode nito ngayong Huwebes, January 19.

Ang team Kakabakaba Adventures ay binubuo ng ilan sa mga dating cast nito na sina Julie Lee, Kiel Rodriguez, Gayle Valencia, at Benj Basa.

Ayon sa team captain na si Julie, ang aktor na si Andrew Schimmer sana ang isa sa kanilang kasama na maglalaro sa nasabing game show ngunit bigo na itong makasama sa taping dahil kinailangan nitong bumalik sa ospital kung saan nagpapagaling noon ang asawa nito na si Jho Rovero.

“Itong araw na ito ay emotional para sa aming lahat, si Andrew po sana ang kasama namin ngayon.

“So emergency, sinamahan kami ni Benj [Basa], [kasi] wala na po 'yung asawa ni Andrew, kaya po hindi namin nakasama si Andrew,” emosyonal na ikinuwento ni Julie.

Matatandaan na nito lamang Disyembre 20, 2022, nabigla ang lahat nang ibalita ni Andrew sa pamamagitan ng isang Facebook post na pumanaw na ang kanyang asawa matapos ang matagal na pakikipaglaban nito sa sakit.

Inialay naman ng team Kakabakaba Adventures ang PhP20,000 sa YesPinoy Foundation Inc. na siyang tutulong sa pamilya ni Andrew.

Anila, “Andrew, yung panalong ito ay para sa'yo, para sa wife mo. Sa tulong ng YesPinoy Foundation, ipinapaabot po namin sa pamilya ni Andrew ang PhP20,000.”

Ang Family Feud host na si Dingdong Dantes at siya ring nagsilbing direktor ng Kakabakaba Adventures noong 2004, ay nagbigay din ng mensahe sa winning team at dating mga katrabaho.

“You guys did well. May dahilan kung bakit kayo nanalo ngayon. Andrew at sa'yong pamilya para sa inyo 'tong panalong ito,” ani Dingdong.

Sa nasabing episode, nakalaban ng team Kakabakaba Adventures ang ilan sa sikat na TikTok content creators na sina Fonz Nartia, Crish Ann Austria a.k.a. Forda Ferson, Charuth Reyes, at Arshie Larga.

Tumutok sa Family Feud, Lunes hanggang Biyernes, 5:40 ng hapon sa GMA . Maaari rin itong mapanood via livestream sa Family Feud YouTube channel at Family Feud show page sa GMANetwork.com.

KILALANIN ANG ILAN PANG NAGING JACKPOT WINNERS SA FAMILY FEUD SA GALLERY NA ITO: