GMA Logo Kakai Bautista, Divine Tetay on The People Have Spoken
Source: YouLOLGMA (YT)
What's on TV

Kakai Bautista at Divine Tetay, nagkainitan sa latest episode ng 'The People Have Spoken'?

By Kristian Eric Javier
Published September 8, 2026 11:26 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Sugar Mercado, Hershey Neri, at Robb Guinto, masusubok ang tapang sa kainan! | Farm To Table
Ihap sa mga magtutudlo nga nakasinati og bullying sa eskuwelahan, misaka I One Mindanao
Gibo Teodoro keeping options open on 2028 plans

Article Inside Page


Showbiz News

Kakai Bautista, Divine Tetay on The People Have Spoken


Tila hindi nagkasundo sina Kakau Bautista at Divine Tetay sa kanilang puksaan. Alamin dito kung bakit.

Matindi ang naging puksaan at nagkainitan pa ang mga comedienne na sina Kakai Bautista at Divine Tetay sa latest episode ng The People Have Spoken!

Nitong Sabado, September 5, kasama ang First Yaya star na sina Sanya Lopez at Kapwa nila comedienne na si Donita Nose, nagkaroon ng sagutan sina Kakai at Tetay. Hiningi kasi ang opinyon nila kung mas tama bang mag-ipon o mag-enjoy habang nasa 20s na at may regular na sweldo ang isang tao.

Para kay Tetay, mas okay na mag-enjoy habang bata pa dahil lagi naman merong oras para magtrabaho at mag-ipon.

“Para sa 'kin, you have to enjoy 'yung pinagtrabahuhan mo, but not too much,” sabi ni Tetay.

Paliwanag niya, matututo naman kalaunan ang isang tao na mas mag-ipon para sa futurre.

Hindi sang-ayon dito si Kakai dahil para sa kaniya, mas mabuting mag-ipon muna at saka mag-enjoy.

“Ako, ginawa ko 'yun, nu'ng nagsa-start ako sa showbiz, that was 25 years ago, lahat ng ginawa ko ay delayed gratification na alam ko, natututunan na ng mga bata ngayon in their 20s and in their 30s. Kasi nga, siyempre, mas masarap mag-enjoy kapag hindi mo na iniisip 'yung bills mo masyado,” sabi ni Kakai.

Dagdag pa nito, mas ramdam na niya ngayon ang benepisyo ng ginawa niyang pagtitiis at pag-i-invest noon.

TINGNAN ANG IPON GOALS NG CONTENT CREATOR NA SI CHRISTIAN ANTOLIN SA GALLERY NA ITO:

Dito tila nagalit si Tetay at nilinaw kung sinasabi ba ni Kakai na mali ang sinabi niya.

“Sana sinabi mo, 'Tetay, you're wrong,'” sabi ni Tetay.

Pagpapatuloy pa niya, “Kaniya-kaniyang naman 'tong diskarte sa buhay, e. Hindi ko naman sinabi na magtatrabaho ka hanggang singkwenta. No!”

Paglilinaw ni Kakai hindi naman iyon ang ibig niyang sabihin, at sinabing hindi naman sa mali ang sinabi ni Tetay.

Samantala, ang host na si Heart Evangelista, pilit pinakakalma si Tetay at sinabing naiintindihan niya ang punto nito, at sinabing magkaiba naman talaga sila ng opinyon. Ngunit ang pinakaimportante pa rin ay iyong sa mga tao sa studio.

Ngunit nang isang studio audience ang sumang-ayon kay Tetay, hindi natanggap ni Kakai ang kaniyang sagot.

“Tapos bukas, wala kang pambayad ng kuryente, tapos nganganga ka,” sabi ni Kakai.

Pero si Tetay, pinagtanggol ang kaniyang “anak” at binalaan si Kakai na 'wag nitong pinagsasabihan.

At dahil nagbalik na naman sila sa bangayan, pinigilan na sila ni Sean Lucas at sinabing “The people cannot speak!”

Panoorin ang naging puksaan nina Kakai at Tetay rito:

: