
Nilinaw ng Viva Hot Babes na sina Maui Taylor, Katya Santos, at Andrea del Rosario ang isyu tungkol sa umano'y pag-"cancel" nila sa VMX Babes sa Bulaklak reunion concert.
Sa isang interview, matatandaang sinabi ni Zsara Laxamana ng VMX Babes na nalungkot sila na hindi na makakapag-perform sa nasabing reunion concert ng Viva Hot Babes.
Ani pa Zsara, ang sabi raw sa kanila ng VIVA Entertainment co-founder na si Boss Vic del Rosario ay maggi-guest daw dapat talaga ang VMX Babes sa concert pero, aniya, "parang kinancel po yata ng mga ate. Hindi ko lang po sure."
Sa pagbisita sa second episode ng KALURKS! noong Linggo, September 20, sinagot nina Maui, Katya, at Andrea, kung totoo nga bang initsapwera nila ang VMX Babes sa "Bulaklak" reunion concert.
"You know, sometimes things must be addressed properly," sabi ni Katya.
"It's just that kasi we're in the same company, so dapat 'wag kang magsira ng mga kasama mo. Because we're not seeing anything bad about them.
"Yung mga sinasabi niya, wala kaming alam do'n. Siyempre, lahat 'yon management decisions. So ang amin lang kasi parang why use us for something, 'di ba? Kasi kapamilya mo kami e. Respect."
Dagdag pa ni Maui, "Aside from respect, kung gusto mong sumikat, sumikat ka in your own way na wala kang tinatapakang iba. Do it on your own. You don't need us."
Paglilinaw pa ng Viva Hot Babes tungkol sa pagtanggal na issue sa VMX Babes: "Hindi kami. Management decision."
Related gallery: Viva Hot Babes embrace their enduring sexy image
Nang tanungin ni DJ Jhai Ho kung bakit nga ba hindi kumpleto ang Viva Hot Babes sa kanilang Bulaklak reunion concert, sagot ni Katya, "'Yung mga wala, hindi 'yon dahil hindi sila sinama. Lahat po ng batch one and two kinontact namin.
"It's just that they have their talagang personal reasons kasi nga mga nasa ibang bansa na lahat. Hindi na makauwi. They have families, kids, and work...
"And we'd love to have them, of course, masaya 'yon kasi 'yun 'yung mga original e. But, in fact, nandiyan sila sa group chat namin."
Gaganapin ang BULAKLAK: Viva Hot Babes Reunion Concert ngayong October 23 sa New Frontier Theater.
Panoorin ang second episode ng KALURKS! sa video na ito:
Abangan ang trending stories sa KALURKS! tuwing Linggo, 8:30 p.m. sa GTV.
Maaari ring mapanood ang full episode ng KALURKS! sa gmanetwork.com/kalurks.
Maging updated sa KALURKS! Bisitahin ang GMA Network website at GMA Play app para sa latest updates, exclusive content, at trending topics.